Chapter 7

3K 112 21
                                    

Napaawang ang labi ko ng makita ang  kumpol ng mga regalo sa pick-up niya.

He told me earlier if I wanted to check the gifts at dito niya ako dinala sa labas ng bahay, ang sabi niya pa ay hindi niya na pinark sa loob ang sasakyan dahil nga nakatulog ako.

Sino pa ba ang magbubuhat sa akin? Kaming dalawa lang naman ang nandito. And where even is this?

May mga bahay din sa malayo pero malawak ang pagitan, marami ding puno sa paligid.

Naglakad ako palapit sa likod, hindi naman ako maliit pero mataas ang kotse para maabot ko. I glanced at him who's just standing near the gate intently watching me.

Papanoorin niya lang ba ako? I thought I can open these, bakit pinagmamasdan niya lang ako?

Nagkibit balikat na lang ako at naglakad papalapit sa pwesto niya. "Ang rami pala," komento ko pagkalapit.

Dederestso na sana ako para lagpasan siya at pumasok sa loob nang magsalita siya.

"You won't open those?" takang tanong niya. Saglit niya pang binalingan ang mga regalo bago napunta sa akin ang atensyon.

I pressed my lips. Won't you help me? Gusto kong itanong kaso nga lang baka mapilitan lang siya kapag nasabi ko na iyon. I don't want him to decide just because he thinks I need it.

"Mataas 'yung kotse mo, mahihirapan ako." saad ko.

Kumunot ang noo niya, umiling-iling siya bago lumapit sa sasakyan at sumakay doon. Tumabi ako ng inilapit niya ang sasakyan sa gate, I was about to open the huge gate when I realize what he'll do but he exited his car again and did it instead.

Nang tuluyan na siyang dumeretso sa garahe, ako na ang nagsara ng gate. Ang bigat naman nito, hindi ko alam kung bakit nagtaka pa ako e malamang sa laki nito ay imposibleng magaan. This means, we don't have a bodyguard here, huh?

May kalawakan ang front lawn kaya hindi mabilis makakapunta doon sa garahe, I take my time walking towards where it is. Malinis din naman maski rito, it looks new.
The ambience is peaceful too, tahimik...masyado. Ayos lang para sa akin, I am not a loud person that always seek for noises.

I saw him bringing some of the gifts from the door connecting the garage. Mabilis akong naglakad para kumuha rin pero iyon na pala ang huli.

Pumasok ako sa loob at iniiayos ang mga regalo, ang dami naman. I didn't expect to receive a lot, though.

I sat down at the carpeted floor in the living room, ang mga regalo ay nasa ibabaw ng sofa.

Naaninag ko naman ang pag-upo niya sa gilid ko, "Why are you sitting there?" he inquired, confused.

Tinignan ko ang carpet, "Is it dirty?" tanong ko na inilingan lang naman niya.

He leans forward with his knees apart and manly put his hand over his lips, anticipating my action.

I swallowed unconsciously before looking away.

Sinimulan kong buksan ang unang regalong nahawakan ko, it's in a paper bag kaya madali lang buksan. Tinignan ko muna kung kanino galing, hindi ko kilala.

"It's from Grace... Helen?" walang lingong sabi ko.

He put his palms together at his front, "That's my cousin," sagot niya.

Tuluyan kong kinuha ang laman, It's soft. Damit ata ito, I lifted the fabric in the air kaya tuluyang bumagsak ang kabuuan nito. I stared at the lace details, is this see through? Hinawakan ko pa ang maliit na strap bago ko narealize kung ano ito.

Sa dami ng regalo, bakit ito pa ang unang nabuksan ko? What is his cousin thinking at binigyan ako ng lingerie?

I bit my lip out of embarassment.

Unti-unting umiinit ang pisngi ko.I glanced at him only to see him stifling a smile sa iba na nakatingin, why is he enjoying this? Parang ayoko na tuloy buksan ang iba pang regalo, I really wish na siya lang ang umisip ng ganyan.

Not them thinking we have honeymoon, I tilted my head.

I cleared my throat at kumuha na lang ng ibang regalo, nararamdaman kong nakatingin na siya muli sa akin samantalang wala na akong lakas para gawin iyon.

Kinuha ko ang malaking box sa gilid, I tear the wrapper and I was greeted by a picture of unfamiliar thing. Pabilog siya at may adjusting button sa gitna, pero bakit my baby bottles sa loob?

Milk bottle heater sterilizer. basa ko sa box.

Tinignan ko kung sino ang nag-regalo, "Mrs. Leros?" I read out loud.

"A business partner," he huskily said.

Hindi ko na ipinalata ang pagtataka sa pag-iiba ng tono niyo. Kunot lang ang noo kong tinaas at pinagmamasdan ang takip ng sterilizer nang mabuksan ko ang box.

"Baby bottles? Why would they give us a sterilizer?" pagtataka ko nang silipin ko ito.
Humarap ako sa kanya, umarko ang mga kilay ko. "Maybe they were invited in a christening? Nagkamali sila ng bigay?"

He pursed his lips while his eyes are suddenly filled with amusement, "You can check the message."

My eyes furrowed and read the message: Congrats Mr. & Mrs. Savedes! Best wishes!
Nakagat ko ang pisngi ko ng mabasa iyon, Mrs. Savedes.

Nagpatango-tango ako, "This is really for us," sabi ko. "But how is this helpful to us?" baling ko muli sa kanya.

I was quite taken a back nang sumupil sa bibig niya ang munting pagngisi, he faked a cough. "You can proceed to other gifts," pag-iiba niya.

Sa palagay ko ay alam niya bakit hindi niya na lang sabihin? Nagkibit balikat ako, kung ayaw niya sabihin ay ayos lang naman. Hindi naman ako namimilit.

"I just got curious why would they send it," pagdadahilan ko. "Wala namang sanggol—

Nabitin bigla ang sasabihin ko nang marealize ko ang sinasabi. Tuluyang nagparte ang mga labi ko samantalang siya ay napangiti.

I quickly look away, why would a gift opening need to make me feel embarrassed?

They gifted us an appliance for baby because they are anticipating for it!

Bakit hindi ko naisip 'yon?

Tumayo ako, "Aakyat na pala ako, ayoko na magbukas ng mga regalo," sabi ko at nagmadaling lumakad palayo.

Pigil-pigil ang hininga kong sinilip pa siya at naabutang natatawa niyang inililigpit ang binuksan ko. Kahit gusto ko bumalik para ako na lang magligpit ay hindi ko magawa, mas nananaig sa akin ang nararamdaman ko.

I can't even focus on his smile! Minsan niya na nga lang gawin ay talagang kabaligtaran pa sa mararamdaman ko.

Gosh, ano ba itong kamay ko at iyon talaga ang mga unang binuksan. It's making me feel awkward, hindi pa ako handa sa mga ganoon!

Free the real feels (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon