Chapter 20

2.8K 104 22
                                    

He quickly made his way inside the mansion when I settled inside the car, saglit akong kumalma kaya bumalik muna siya.

I am too hurt right now. My mind started to be clouded again with the thoughts that was already here from the start. I thought after I cried it all that night mababawasan na ang nasa isip ko. But now everything just worsened, mas nagiging malinaw na bumabalik sa isipan ko ang lahat.

Mommy was right, Sawyer is just too good to be true kaya kahit hindi pa magiging pabor sa kanya... He'll still be the best man. Megan was right all along, I can't even show my grades to him so he can be proud that even though I was lacking being a wife, to something else I'm doing fine. But I wasn't, I am just not.

Even my family didn't even trust me about Dad's condition.

Mabilis kong pinalis ang luha kong muling tumulo nang makita kong tumatawag sa akin si Chain.

"Couz! Balita ko break niyo? Visit me in my farm," masayang aniya. Saglit akong napatigil at nag-isip. He's calling my name for how many times before I speak.

"C-Chain-"

Napasinghap siya, "Are you crying? Oh my gosh, what did Sawyer do?"

"N-no... but please do me a favor," Saglit natahamik ang kabilang linya bago ako nakarinig ng buntong-hininga, he'll agree.

--

"Wife," His baritone voice is filled with uneasiness.

Nakauwi na kami sa bahay nang hindi nag-iimikan. I am already containing my strength, I have doubts but I'm eager to do this.

I look up to him, his expression shouts guilt. Hindi naman ako galit sa kanya, I just don't know how to rearrange myself. I am too disappointed with myself at gusto kong makahinga nang wala siya sa tabi ko.

His presence is hurting me with the fact that I don't deserve him.  Hindi ko maiwasang makaramdamn ng parang kung anong tinutusok sa dibdib ko kapag naiisip na magiging ganoon siya sa ibang babae kung sakaling hindi ako ang pinakasalan niya.

Lumapit siya sa akin at yinakap ako muli, "I'm sorry, baby. I can't tell it-"

Hindi ko siya pinatapos, muling umagos ang mga luha ko dahil sa pag-iisip nang sasabihin ko.

"I-I want to l-leave," Humigpit ang mga braso niya sa akin. "P-please... I'm too tired thinking about everything," nagmamakaawang saad ko.

If he let me, he'll be free to date a woman. After that, if he'll ask me I can... give him the freedom from our marriage. Lalo akong napaiyak sa mga naiisip. Why do we have to drown ourselves with painful thoughts?

Lumuwang ang mga yakap niya sa akin at yinuko ako, he brushed my tears. "Don't do this,baby...please..." napapaos na saad niya.

I looked away from his eyes and shook my head.

Mabilis ako kumalas sa hawak niya at umiiyak na tinakbo ang kwarto, I quickly locked the door and cried while getting a luggage. Saglit akong napatigil ng makita ang maliit na picture frame sa night stand, it's our candid pic from our wedding nang hinahagisan kami ng petals.

Kinuha ko iyon at isinilid sa loob ng maleta. Nang hindi ko makayanan patigilin ang mga luha ko ay naglakad ako papalapit sa gilid ng kama. I cried between my palms wishing that it would soon end but the darkness consumed me instead.

Nagising ako sa bagay na humahaplos sa sa buhok ko, bahagya akong natigilan nang makita ang sariling nakayakap sa kanya. Ang mapungay niyang mga mata ay nakatitig sa akin, there's emotion in his eyes that I can't name.

He sighed and closed his eyes bago ako tulungan sa pagbangon. Gumawi ang tingin ko sa maleta, naka-ayos na iyon. Hindi ko alam na natapos ko pala.

"Chain is already there," malumanay pero may ibang naka-ukit na sa kanyang boses.

He's letting me? Right, ito naman ang gusto ko.

Wala kaming imik na bumaba ng hagdan, siya na ang nagprisintang magdala ng gamit ko habang papalabas ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. I can't cry anymore, namamaga na ang mata ko.

Naabutan namin si Chain na nakahalukipkip habang iniikot ang paningin sa buong lugar, sa bahay namin. He looks like judging the house, what an engineer.

Napunta ang atensyon nito sa amin na puno ng pagtataka, taas ang kilay na pinapasadahan kami.

Umiwas ako ng tingin.

Sawyer walked up to Chain's car, napansin iyon ni Chain kaya agad niyang pinindot ang hawak niya saka nilagay sa loob ni Sawyer ang maleta ko. This is my decision right? Why do I feel like it's doubling the pain seeing him this way?

Nagtanguan sila ng pinsan ko. I bit my lip and look away as his stares intensify habang papalapit ako sa kotse. He suddenly avoided his head from my way and clenched his jaw pero tila may tumunaw sa kanya at napabuntong-hininga na lang siyang kinabig ako.

I hugged him tightly too, pinipigil ang sariling mapaluha muli. Hurt is too evident in his eyes now as he crouched and kissed my lips. Mariin akong pumikit na dinama ang halik bago niya ako bitawan,

"Take care, baby." His words before I turned my back on him.

--

"What's that?"

Wala akong ganang lumingon kay Chain na nagmamaneho. Itinaas ko ng bahagya ang kilay ko para ipaalam na hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Oh gosh, couz. That was the sweetest separation I've ever seen, seriously?" Ang mga mata niya ay deretso sa daan habang tuloy-tuloy na sinasabi iyon animo'y hindi makapaniwala na sa akin niya pa nasaksihan. "Hindi kayo ang nag-away, bakit ka aalis?"

I sighed.

Umiling na lamang siya at saglit na nanahimik, he knew I wouldn't want to talk about it.

Pagkalipas ng ilang saglit ay nagsalita na muli siya, "Kumain ka na ba, babae?"

Umiling ako.

"Let's Drive thru, libre mo. Pa-welcome back mo sa akin." He remarked sarcastically.

Tinignan ko siya ng masama. Sa amin dalawa siya ang mapera ni hindi man lang naawa sa akin ang baklang 'to. Naigilid ko ang labi ko ng maalalang hindi ko ginalaw ang school bag ko, naroon ang wallet ko.

"I think I left my wallet, wala akong naalalang nilagay ko sa maleta." I admitted, embarrassed.

I didn't even know how I finished packing kung nahihirapan na ako sa pag-iyak.

"Seriously? You leave without money, babae?" iritadong anas niya.

Hindi ko mapigilan ang mapanguso. Tuwing lumalabas naman kami, wala naman akong ginagastos. But I knew I can't say that because we weren't out for just a trip.

"Mayaman ka naman, let your cousin be rained with that..." subok na palusot ko.

"That's not the point. Why are you being careless? Reese," He warned. Seryoso na ang mukha niya nang bumaling sa akin, alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Hindi naman sa ganoon but this is the first time I'll be away from their care. My cousin will be there but I know he would want me to stand up with my decision.

Tumango ako. "Tignan ko lang baka himalang nalagay ko," sagot ko.

Inirapan niya lang ako at tinawid ko ang upuan papunta sa likod kung saan ang maleta, I opened it without expectation dahil hindi ko talaga maalalang nagalaw ko iyon.

My brows raised when I saw how complete my things are, "Dala ko pala," I informed him.

Sa pagkakaalala ko dalawang card ko lang ang nandito, binuksan ko ang wallet at tumambad sa akin ang anim na card at ilang libo. My mouth slightly opened as idea started to be inserted in my mind.

Right, hindi ko nga natapos 'yung pagempake ko.

He was the one who did.

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now