Chapter Twenty-Four

524 29 10
                                    


MATURE CONTENT: This chapter may contain strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity which maybe offensive or disturbing to some readers. This is intended for mature readers only.

***

Cate hugged Prick tightly while Prick is comforting her. Tuyo na ang luha sa kaniyang mga pisngi ngunit naroon pa rin ang mahihinang hikbi. Hanggang ngayon ay nanginginig pa din siya sa takot sa kaniyang mga nakita. Kakaibang sagupaan ito para sa kaniya. Isang napakasamang araw.

"Styx, I need to go..." Mahinang sambit ni Prick upang lingunin niya ito.

She looked on his eyes. Bagaman natatakpan ng maskara ay nakikilala niya pa rin ang malamlam na mata ng lalaki. Ang nagpapakilig sa kaniya sa tuwing tititig ito. Ang malalim ngunit magaganda nitong mga mata.

"I-iiwan mo ako?" Malat ang boses niyang tanong. Ganoon ang nangyarayari sa kaniya sa tuwing iiyak ng todo, namamaos ang boses niya.

Hinawakan siya ni Prick sa magkabilang balikat. "No, no. I won't leave you."

"Aalis ka eh..."

"No, listen." Prick said seriously. "They need me outside. Kailangan muna silang mawala bago kita iuwi sa inyo, okay?"

Naka-uunawang tumango siya. "O-okay."

"Mabilis lang 'to. Just stay here." He said and she nodded.

Iniwan siya nito doon ngunit muli ring bumalik agad. Literal na mabilisan nga lang ang ginawa nito at tila ayaw siyang iwan sa kabilisan.

"W-why---"

"Nah. They can handle it perfectly." He said and sat beside her.

Natahimik na siya at hindi na muling nagsalita pa. Naging awkward na din ang atmosphere at nahihiya naman siyang maunang magsalita. Isa pa, ito ang may kasalanan sa kaniya. Gusto niyang maging ma-pride ngayon.

"H-how are you?" Tanong ni Prick. Nais niya sana itong lingunin ngunit pinigilan niya ang sarili.

"A-as you can see, hindi ako okay." She said and cleared her throat. Tila kasi pabulong na lang ang saad niyang iyon.

"Huwag ka na munang sumagot, pagpahingahin mo muna ang boses mo. I'll bring you water later." He said.

Kumuyom ang kamao niya. Ang dami niyang gustong sabihin at tanungin ngayon sa lalaki ngunit hindi nakikipag-cooperate ang boses niya. Hindi na mapakali ang isip niya sa dami ng katanungan.

"Uhm..." She whispered. Hindi niya alam kung anong itatawag dito. Irus ba? X or Prick?

"I said don't force yourself to talk---"

"K-kuya Prick..." Putol niya bago tumingin dito. Nakita niya namang dumaan sa mata nito ang sakit kaya't nag-iwas siya ng tingin. "Tell me, why?"

Sa huli, iyon ang naitanong niya sa dami ng tanong sa kaniyang isipan. Isang 'bakit' na maraming kahulugan ngunit nais niyang ang lahat ay masagutan.

Hindi sumagot si Prick at nanahimik. Maybe, he's thinking deeply or didn't know what to answer. Mas pinili na lamang itikom ang bibig kesa magsalita.

"Tell me why? Why, k-kuya Prick?" Ilang niyang tanong sa pagbanggit ng kuya kasunod ng pangalan nito.

"Styx, I think this isn't the right place to talk about it. We can---"

"I w-want to know... Tell me..." Aniya.

Pumikit ng mariin si Prick at huminga ng malalim. "W-wala akong naalala."

Her heart stopped beating for a second. Iyon pa lamang ang sinasabi nito ngunit napakasakit na para marinig niya. Kaya ba hindi ito bumalik o umuwi sa mga magulang nito? Kaya ba noong nakita niya ito ay hindi siya nito namukhaan? Ganoon ba?

His Bed WaysWhere stories live. Discover now