Chapter Twenty-Six

492 29 1
                                    


Napakamot si Cate sa ulo habang tinitignan ang dalawang lalaking nasa front seat, si Oddy at si Prick. Obviously, Oddy didn't allowed Prick to sit beside her especially that he knows they have a thing for each other.

Loving Prick is not a crime but it is for her older brother. What would she expect from him? Oddy is a protective brother since then. Kaya naman alam niyang hindi magiging madali para sa kanilang dalawa ni Prick ang kanilang relasyon.

"Ah, so? Let's go na ba?" Tanong niya upang putulin ang katahimikan.

Oddy opened the car's door while Prick glanced at her coldly before opening the door. Naiwan siyang mag-isa kaya't kamot ulo siyang lumabas ng kotse. Ano na naman kayang problema ni Prick?

Nilibot niya ang paningin sa kanilang bahay. Tinitigan niya ng mabuti ang malaking pintuan. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa oras na pumasok na sila sa loob ng bahay. Sana lang ay matanggap din ng kaniyang pamilya ang kanilang relasyon ng lalaki.

Napansin niya ang paglalakad ni Prick na tila bumabagal habang papalapit sila ng papalapit sa pintuan. Para rin itong robot kung gumalaw dahil straight na straight ang paglalakad nito.

She walked beside him and whispered, "is there a problem?"

Prick glanced at her coldly. "Nothing."

She frowned. Bakit ganito ang asta nito ngayon? May nagawa ba siyang masama?

Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang nagulat nang malamang nanlalamig ang kamay nito at namamawis. "Bakit ang wet and cold ng hand mo?"

"It's nothing."

She was about to protest but Oddy grabbed her arm and pulled her towards him. "Too close, Hecate."

Sumimangot na lamang siya hanggang sa marating nila ang pintuan. Sinalubong sila ng kanilang mga katulong na binati niya naman ng kaniyang nakaka-akit na ngiti.

Agad silang nagtungo sa opisina ng kanilang ama. Nakita pa nila ang kanilang inang si Phemie na pumapapak ng cookies at nang makita siya'y agad siyang nilapitan nito.

"San ka nagpunta ha?! Paalis-alis ka na lang nang walang paalam ha?! Lumayas ka na lang kaya?!"

Napapikit siya dahil may kaunting talsik ng laway mula sa bibig ng kaniyang ina ang napunta sa kaniyang mukha. Dahan-dahan niya itong pinunasan gamit ang kaniyang kamay.

"Mommy..." Reklamo niya sa mahinang boses.

Bigla siya nitong hinampas sa balikat ng malakas. "Huwag mo akong ma-mommy-mommy!"

"Ouch, Mom! Stop na, please!" She glanced at Oddy and Prick but she saw nothing. Malamang ay nauna na ang mga ito sa office ng kaniyang ama.

"You heart header! Hindi ko na talaga alam ang gagawin sayong bata ka!"

She pouted. "I'm not bata na, okay? And please, it's hard headed, Mommy."

Bigla siyang piningot ni Phemie sa tainga. "Parehas lang yun! Naghahanap ka pa ng excute!"

"Ouch, ouch, Mommy!"

Bigla siyang may narinig na tawa kaya't napalingon siya sa may bandang sopa. Doon niya nakita ang bunsong kapatid na natatawang nakatingin sa kaniya.

"I hate you, Pollo!"

"Same!" He winked at her before looking at his phone.

"Mommy, saglit lang. I'm with Prick eh."

Tinanggal naman ni Phemie ang pagkakapingot sa tainga niya. "Prick? Sinong Prick?"

"Mom, si Prick." She looked at her eyes. Umaasang maaalala nito.

His Bed WaysWhere stories live. Discover now