Chapter Twenty-Eight

433 25 0
                                    


Naging mas pursigido si Prick upang makuha ang basbas ng kaniyang mga magulang at habang nangyayari yun ay gumagawa din ito ng paraan upang makasama din ang pamilya nito at maipasiyal sa kung saang lugar.

But he spend his time much more with her. He love surprising her. Kung saan-saan na rin siya nito dinala at sa dalawang buwan nilang magkasama ay mas lalo siya ditong napamahal.

She also has a plan in her mind. She will surprise him too. Maghihintay pa nga lang siya ng ilang linggo bago mangyari ang surpresa niya para sa lalaki. Hindi naman iyon ganoon katagal. Sana nga lang ay masurpresa talaga ito sa gagawin niya.

Cate was busy finding the famous Jewelry Shop on the mall when she saw a familiar back of someone. Nagmamadali niya itong nilapitan at hinampas ang balikat nito.

"Jade!" Sigaw niya.

Agad namang tumingin sa kaniya ang lalaki at ngumiti bago tumango. "Cate."

"How are you na? Did you miss me?" Nakangiting tanong niya dito.

"Jana did."

"Oh, right! How's Jana na pala?"

He became silent in a minute before smiling at her. "Want to see her?"

Umikot muna ang paningin niya sa buong mall bago binalik ang tingin dito. "Oh sure! Na-miss ko na rin siya eh!"

Tumango lang si Jade indikasyon na sumunod siya dito at ginawa niya naman. Mabilis ang bawat hakbang ni Jade kaya naman lakad-takbo na ang ginawa niya masundan lamang ito.

Napunta sila sa parking at nakita niya ang motor ni Jade na naka-park doon. Hinagis ni Jade ang helmet sa kaniya na agad niyang sinalo at isinuot sa sariling ulo. Sumakay si Jade at sumunod naman siya dito. Mabuti na nga lang at ang suot niya ngayon ay crop top na black na pinaresan niya ng pants at rubber shoes.

30 minutes ang binyahe bago nila narating ang isang bahay na luma. Pumasok doon si Jade kaya't sumunod lamang siya dito.

"Kaninong house 'to?" She asked while looking around. Luma man tignan ngunit malinis naman ang mga pasilyo.

"Mine." Sagot ni Jade bago huminto sa harap ng isang tukador, bigla itong gumilid upang makita niya ang nasa harapan.

She gasped loudly and cover her mouth using her hands. Agad na nangilid ang luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa litrato ni Jana at ang burial urn sa gilid nito.

"O-oh my g..." She sobbed. "W-why did... How... Oh my g, I'm sorry." Then she started crying.

Jana's gone. Ang nasa loob ng urn ay ang abo ni Jana. Naging busy siya sariling buhay at nakalimutan niya ng bumisita kay Jana noon. Kung sana... Kung sana ay naroon din siya upang damayan ang bata habang nahihirapan ito. She felt it was her fault. How could she be so selfish?

"Jana said I should keep living." Biglang saad ni Jade at tinapik ang balikat niya. "And I'm trying to live my life without her."

Pinunasan ni Cate ang luha sa mga mata bago naluluhang tinignan si Jade. He look tough. Hindi halata sa mukha nitong nawalan ito ng kapatid. Magaling magtago ng nararamdaman si Jade though hindi maitatago ang lungkot sa mga mata nito. He surely love his younger sister.

Biglang humarap sa kaniya si Jade at ngumiti ng tipid. "You want coffee?"

Lumamlam ang mga mata niya dahil halata talaga ang lungkot sa mga mata nito. Tinitigan niya muna si Jade ng ilang minuto bago siya nagpasiyang hilain ito palabas ng bahay.

"Hey."

"We should drink something else..." She smirked and put the helmet on. "...much better than coffee."

His Bed WaysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant