Chapter 1

1.4K 49 0
                                    


"I want this one." Itinuro niya ang napiling stiletto upang suotin sa dadaluhang party mamayang gabi. Kulay itim iyon at may taas na 4 inches. Kakayanin niya naman ang taas niyon kaya't walang problema.

"Ito, ma'am?" Turo ng isang sales lady sa napili niyang bilhin.

She rolled her eyes. Ang ayaw niya sa lahat, uulit-ulitin siyang tanungin kahit obvious naman. 

"Yes. Please, hurry up." May inis sa boses niyang saad.

Habang inaasikaso ng sales lady ang ang binili niya, tinignan niya ang kaniyang kuko. Nagpa-manicure and pedicure siya kanina. Pinili niya ang kulay itim para sa kaniyang kuko. Hilig niya lang talagang mag-terno ng suot kapag na-tripan niya.

When her phone ranged, she immediately answered the call. She doesn't want to waste her time. Nahawaan na siya ng kuya niya sa pagiging time freak nito. "Yes, mom?"

[Hecate Styx Vladimir!] Bahagya niyang nailayo sa tainga ang phone sa lakas ng boses ng nanay niya. [Ano na naman ba itong nabalitaan ko?! Anak ng congressman, ginulpi mo?!]

"He deserved it. He touched my arms kaya."

[Parang 'yon lang?! Hindi kita pinag-aral ng taekwondo para manakit! Self diffience mo lang 'yan!]

"Self defense." She corrected and whispered wait to the sales lady nang lumapit ito sa kaniya upang ibigay ang binili niya.

[Let me talk to her.] It's her father's voice. [The day after tomorrow you'll come with me. Pupunta tayo sa anak ng congressman and you'll say sorry. I don't wanna be involved in any politics, Hecate. Okay?]

She stomped her feet. "Fine!" Aniya saka ibinaba na ang tawag.

Kinuha na niya ang mga pinamili at maarte iyong hinawakan. Inis siyang naglakad paalis ng mall na mismong kaibigan ng kuya niya ang may-ari. Nagtungo siya ng parking at pinatunog ang kaniyang mustang. 

She knows how to drive, she's already turning 26 at may lisensya na rin naman siya. Iyon nga lang, ang mustang na imamaneho niya ay hindi kaniya. Her father doesn't allow her buying a car using her parents money. Kailangan niya daw iyong paghirapan. Well, makakabili na rin naman siya sana kung hindi niya ginagasta sa pagsho-shopping.

Minutes passed, nakarating na rin siya sa bahay nila. Hinayaan niyang ang mga katulong na ang magdala ng pinamili niya at dumiretso sa kaniyang kwarto. Nakasalubong niya pa si Pollo na bihis na bihis at mukhang may pupuntahan.

"Where are you going?" She asked, eyeing her brother from head to toe. Pollo doesn't look like a 14 year old because of his height. Isang dangkal na nga ang taas nito sa kaniya.

"Wala."

She suspiciously arched a brow. "Niligo mo ba ang pabango, ha? Kahit 'ata ilang metro ang layo ko, maaamoy kita."

"Can't you just focus on your business?" Masungit na pahayag nito saka isinukbit ang bag sa balikat. "Tell mom I have a group study. Bye!"

Naiiling na lamang niyang tinignan ang papalayong bulto ni Pollo. Nagbibinata na ang kapatid niya. Malamang, may pinopormahan na itong babae kaya't ganoon na lang ito kabihis at kabango.

Nagtungo siya ng kaniyang kwarto. Pabagsak siyang humiga sa kama kaya't naistorbo niya ang natutulog niyang asong bolognese na si Onas. 

His Bed WaysWhere stories live. Discover now