Chapter Ten

562 32 1
                                    


After a couple of minutes, X pushed her slightly. Umatras ito habang madilim ang mga matang tumitig sa kaniyang mata. Matiim na nag-igting din ang panga at malalim ang paghinga.

Cate blinked twice before gasping. Hinawakan niya ang labi at muling bumaba ang tingin sa mga labi nito. "Y-your labi is so soft. I want to bite your lower lip."

X growled. "What is fucking wrong with you, Styx?"

Suminghot si Cate matapos marinig ang pangalan niya. "Yes, I'm Styx! Ako si Styx! I miss you, kuya!" Muli siyang lumapit upang yakapin ito ng mahigpit.

"Hecate Styx." Madiing banggit ni X sa pangalan niya, nagbabanta.

She chuckled while sobbing. "Ulit! Isa pa! I want to hear it again!"

Kunot na kunot ang noo ni X dahil sa pagkalito dahil alam nitong hindi ganoon si Cate. Takang-taka ito sa ikinikilos niya ngayon.

"Did you eat the fucking red rose?" Madiin at nagagalit nitong tanong bagamat hindi naman sumisigaw. Nanatiling kalmado ang boses ngunit nakakatakot pa rin kung marinig.

She gasped and smelled his perfume. Ang bango. She wants to smell him everytime! Pwede kaya iyon?

"Yes, sire!"

"Damn."

Muli siyang inilayo ni X sa pagkakayakap bago ito yumuko ng kaunti at pinalibutan ang kaniyang hita gamit ang dalawang braso nito. Pinasan siya nito sa balikat na tila isang sako ng bigas.

She just giggled of his sudden action. She really felt happy right now, para siyang nakainom ng ilang bote ng hard drinks sa isang kainan lang ng red rose. Ang gaan sa pakiramdam, sana hindi na mawala pa.

Naramdaman na lamang niya na dahan-dahan siyang inihiga ni X sa kama. Ingat na ingat ito kahit na ang paglalagyan naman nito sa kaniya ay ang malambot na kama.

"Sleep, Styx. You need to sleep."

She pouted. Eh hindi nga siya makatulog. Mulat na mulat ang mata niya, gusto niya pa ngang magsayaw eh. Ang lakas ng energy niya ngayon, minsan na nga lang mangyari, pipigilan pa. Nakakainis lang.

"No! Ayaw ko mag-sleep! Ayaw ko!" Sinubukan niyang umupo ngunit tinulak lang ni X ang magkabilang balikat niya para maihiga ulit.

X sighed. "Okay, anong gusto mong gawin ngayon?"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Tumingin lang siya sa kisame at sa ilaw nitong tila maliit na chandelier, hindi nakakasilaw pagmasdan dahil dim light lamang. Natawa siya at itinaas ang dalawang kamay na animo'y inaabot iyon. Tila naging isa siyang sanggol ngayon na gustong paglaruan ang chandelier.

"Seriously?" Hindi nakapaniwalang bulalas ni X.

"Brush, brush, brush, three times a day." Pagkanta niya habang bumubungisngis. Napakinggan niya lamang iyon sa isang TV commercial at nagustuhan niya naman kaya kinabisado niyang talaga. "Brush, brush, brush, to keep cavities away..."

She heard a low chuckle from X. Mukhang napagtanto nito ang ginawa kaya't tumikhim ito. "What do you want to do, Styx? Sabihin mo sakin."

"If I sabi ba, you'd let me?"

"Let you what, Styx?"

"To kiss you." Parang bata niyang sabi.

He groaned. "You're kidding me."

Namilog ang mata niya. "I'm not! I still remember pa nga yung sinabi mo, diba you'll fork me next time? So, when is the next time?"

His lips slightly parted and look at her with amuse written on his face. Maya-maya'y bigla itong ngumuso upang takpan ang pagngiti. "Do you really want me to do it?"

His Bed WaysWo Geschichten leben. Entdecke jetzt