Chapter Thirty

487 27 2
                                    


Marahang bumukas ang malaking tarangkahan ng simbahan habang siya ay naglalakad patungo sa loob nito. Bumungad sa kaniya ang kay raming bisita na naka-tayo sa magkabilang gilid at sinasalubong siya ng magandang ngiti.

Napatingin siya sa kaniyang suot na puting bestida na kumikinang-kinang pa, pinaresan iyon ng puting doll shoes na mismong request ni Prick dahil ayaw nito siyang mapahamak habang naglalakad lalo na't ngayon ay nagdadalang tao siya.

Dahan-dahan siyang naglakad sa pulang carpet at tinanaw ang lalaking kaniyang minamahal na naroon sa harap ng altar at tila siya na lamang ang hinihintay. Ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib lalo na nang masilayan ang malaki nitong pagkakangiti. Bakas ang galak sa kanilang mga mata patunay na minamahal nila ang isa't isa.

Tila napako ang kaniyang tingin kay Prick at sa maayos na porma nito ngayon habang naka-suot ng barong Tagalog. Hindi niya maiwasang maging emosyonal habang nakatitig sa lalaking kaniyang minamahal. Ang sabi ng doctor ay kasama talaga ito sa pagbubuntis, ang maging emosyonal at naghahalo ang nararamdaman.

Habang palalapit dito'y siya namang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso at nang makalapit na nga siya dito'y ngumiti siya ng malapad, tinanguan ito at lumiko pakanan kung saan naka-pwesto ang mga abay sa kasal ni Levi.

Naramdaman niya ang pagtapik ng kaniyang ina mula sa likuran kaya't nilingon niya iyon kaagad. "Pilingera ka naman. Masyado mong binagalan yung lakad mo eh di naman ikaw yung bright." Bulong nito sa kaniya.

"Mommy." Inis niyang bulong at napanguso na lamang.

Sabay-sabay silang napatingin kay Marya na siya ngayong mapapangasawa ni Levi. Kasama nito ang tatay nito habang naglalakad ng marahan palapit kay Levi.

Hindi maipagkakailang maganda si Marya dahil sa kutis nitong kay puti at sa mukha nitong may american feature. Hindi niya akalaing magaling din palang pumili si Levi ng mapapangasawa nito.

Nakita niya ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Marya kahit pa may suot itong belo. Tila sobrang saya nito dahil maikakasal na ito sa minamahal nitong lalaki.

Napatingin siya kay Prick, magiging ganito din ba siya ka-emosyonal kung sa oras na maikasal na sila ni Prick? O baka mas matindi pa?

"What are you thinking?" Bulong ni Prick mula sa punong ng kaniyang tainga. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan ngunit hindi na iyon pinahalata.

"Nothing." Sagot niya at lumibot ang tingin sa paligid.

Narito na sila ngayon sa reception. Nagsasayahan ang lahat ng imbitado sa kasal. Naroon sa gitna ang bagong kasal at sumasayaw ng marahan kasabay ng tugtuging kay sarap pakinggan.

"Kiss! Kiss!"

"Kiss mo na, Miller!"

"Kiss! Kiss!"

Sigaw ng mga ito at nangunguna na ang ZECOND pati na rin ang iba pang mga kaibigan ni Levi na nagmula naman din sa iba't ibang bansa. Isa rin kasing sikat na engineer si Levi at kahit sa ibang bansa ay kalat ang pangalan nito kaya naman marami ring nahuhumaling sa gandang taglay ng lalaking ito.

Natawa si Levi at hinalikan ang asawa nitong si Marya sa labi. Nagtagal iyon ng ilang segundo bago bumitiw si Levi.

Muling nagpatuloy ang party hanggang sa tawagin na ang mga babae upang saluhin ang bulaklak na ihahagis ni Marya. Nang magtama ang tingin nila ay sabay silang napangiti sa isa't isa matapos ay marahan itong lumakad palapit sa kaniya dala ang bouquet ng white roses.

Nagtaka ang lahat sa ginawang paglapit ni Marya sa kaniya at iniabot sa kaniya ang bulaklak. Humagikgik siya at nagpasalamat dito bago naman siya tumalikod at nilapitan si Prick na naka-upo lang sa isang table.

His Bed WaysWhere stories live. Discover now