Chapter Twenty-Nine

430 26 8
                                    


Nakaupo si Prick sa isang upuan at napapaligiran siya ng miyembro ng Black Chess kung saan isa rin siya sa mga ito. Suot pa rin ang itim na maskara ng mga ito ngunit ramdam niya ang tensyon na makikita sa mga mata nito habang nakatingin ang lahat sa kaniya.

"You said you want to quit being a pawn, is that right, No Name?" Paniniguro pa ng King at pinagdaop ang mga palad sa lamesa.

No Name pa rin ang tawag sa kaniya ng mga ito dahil na rin sa hindi na siya nakapag-isip ng codename niya para sa grupong ito at hindi rin siya ganoon kainteresado. Tanging ang mga kasama niyang pawn ang tumatawag sa kaniya ng X dahil kilala na ng mga ito kung sino siya at kung anong katayuan niya ngunit siya ay hindi pa rin nalalaman ang identity ng kapwa niya pawn.

"Yes, King." Sagot niya habang nakaupo ng diretso.

Sa tuwing naririto siya kasama ang miyembro ng Black Chess ay ramdam niya ang malalakas na awra at intesidad na nakapaligid sa kanila kaya naman hindi niya nagagawang mag-relax at lagi siyang nakabantay sa kaniyang paligid. Wala siyang tiwala ni isa sa mga ito lalo na't wala naman siyang alam tungkol sa kanilang mga pagkatao.

The Queen sigh heavily and he saw her smile at him a bit. "I understand your situation, No Name..." Anito.

Ang Queen ng Black Chess ay halatang may edad na at mas matanda sa kanilang lahat ngunit ang kakayahan nito sa pakikipaglaban ay nananatiling matatag at malakas na siyang kinatatakutan nila. Hindi ito basta-bastang tao, mararamdaman naman iyon sa awra nito.

"But I'm sorry, hindi namin mapagbibigyan ang gusto mo." Dugtong pa nito.

Alam niya naman iyon. Alam niyang hindi siya makakaalis dito hangga't walang nagtatapos ng larong ito. Sa totoo lang, hindi niya rin alam ang kwento at kung bakit nagkaroon ng ganitong larong patayan lalo na sa pagitan ng White at Black Chess. Hindi niya alam ang dahilan at wala na siyang balak pang alamin. Ang nais niya lang masiguro ay ang kaligtasan ni Cate lalo na kapag kasama siya ng babae.

"Pero hindi namin pipigilan ang pagbuo mo ng pamilya, No Name. You're a free man and you can do all what you want to do." Dagdag pa ng Queen sa kaniya.

"Yes, Queen, but I'm afraid of my girlfriend's safety. Maraming nakaabang para makapaghiganti sakin at siguradong gagamitin nila ang girlfriend ko para doon---"

"And you'll let them?" Pagputol naman ng Bishop.

"No." Agad niyang sagot.

"Kung ganoon, wala kang dapat na ipag-alala dahil hindi ka rin naman bastang tao lang, No Name. You're one of us. It means you're stronger than them." Saad naman ng isang Knight.

Kung ganoon, dapat na ba siyang mapanatag? Wala siyang tiwala sa kaniyang sarili at natatakot siya sa kapahamakang nakaabang para sa mga mahal niya sa buhay. Dapat nga bang mapanatag siya dahil lang sa taglay niyang lakas?

"If you're really worried, we'll help." Saad ng King at nag-cross arms. "I'm not that heartless. Kahit ito lang ay makapagpagaan sa loob mo, No Name."

Hindi na lang siya nagdugtong pa ng sasabihin at yumuko na lamang. "Thank you." Taos-puso niyang pasasalamat. Nakahinga na rin siya ng maluwag dahil sa sinabi nito.

Nang matapos sa pakikipag-usap sa mga ito ay nagtungo naman siya sa Cavite kung saan ipinapatayo niya ang bahay para sa kanila ni Cate kung sakaling maging mag-asawa na sila.

Advance na siyang mag-isip. Alam niyang hindi tatanggihan ni Cate ang plano niyang pagpopropose dito dahil ganoon siya nito kamahal. Kung sakali mang hindi pa rin pumayag ang tatay ni Cate ay wala naman itong magagawa gayong na kay Cate naman at desisyon at wala dito.

His Bed WaysWhere stories live. Discover now