Chapter Eight

660 31 3
                                    


"Try this one, Cate." Pinahid ni M sa kaniyang labi ang MAC Matte Lipstick nito.

Tinignan niya ang labi sa salamin. Bumagay naman sa kaniyang kulay ang lipstick. Actually, she's not into MAC's. Mas gusto niya kasi ang Maybelline but it's okay naman pala. Hindi na masama.

"See? Bagay sayo!" M giggled and slightly pinched her right cheek.

Napailing na lang siya. Sa araw-araw na lang ay palagi siyang kinagigiliwan ni M. Halos lahat ng binibili nito ng halos isang buwan ay para sa kaniya lang. Feeling niya tuloy nagkaroon siya ng utang kay M.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni M at pumasok si J na lalaking-lalaki ang porma ngunit pulang-pula naman ang labi sa lipstick nito. J is actually handsome. Sayang nga lang at malambot ito.

"Bilisan mo na dyan, girl. Nagwawala na ang dragon sa ibaba." Ani J at pinagmasdan ang bagong palinis na kuko nito.

She rolled her eyes irritatedly. Palagi naman talagang nagwawala ang dragon na iyon. Akala mo naman ikinaganda ang pagbuga ng apoy nito sa bunganga, hindi naman. Dinaig pa si Ms. Minchin sa katarayan.

"I need to baba na. Baka mabugahan pa ako ng fire ng dragon." Aniya at nag-flip hair. Medyo humaba na ang buhok niya ngayon. Hanggang kili-kili na niya kasi iyon.

Narito siya ngayon sa HeadQuarters ng ACE. Hindi daw siya pwede sa Casino kaya't dito siya dinala. Matapos kasi ng araw na nakipag-usap siya kay X, kinabukasan ay agad din itong nawala nang walang paalam man lang. Meron na naman kasing bagong mission si X. Nagtataka nga siya kung ano misyon iyon. Nagbebenta rin ba ng drugs ang samahang ito?

Miminsan na lamang din niyang makita si A dahil tila napaka-busy nito sa business nito. Matagal niya ng minamanmanan ang samahang ito pero wala naman siyang nakitang nagda-drugs. Well, wala pa. Ano bang malay niya kung magaling lang ang mga itong magtago? May Casino nga eh, drugs pa na ang mawawala?

"Bakit ang tagal mo?!" Inis na singhal ni Y sa kaniya. Kunot na kunot ang noo nito at kaunti na lang ay may bubuga ng usok sa tainga at ilong.

"Hindi ka ba makapaghintay?" She rolled her eyes again before grabbing the vacuum.

Y hissed. "Pagbalik ko, malinis na dapat dito! Naiintindihan mo?!"

"Yes, dragon." Tamad niyang tugon at nag-umpisa na sa paglilinis.

Sa loob ng isang buwan ay ginawa siyang katulong ni Y sa HeadQuarter dahil siya lang naman daw ang walang ginagawa doon at isa pa ay hindi kasapi ng ACE pero nakatira doon. Dahil nga may kailangan siyang alamin ay kailangan niyang magtiis. Sabi ng daddy niya, she's stubborn kaya naman narito pa rin siya. Kahit nakakapagod, hindi siya aalis hangga't hindi nakukuha ang gusto.

Mabuti na lamang at marunong siya sa gawaing bahay. Hindi lang talaga halata dahil malambot ang mga kamay niya. Tinuruan kasi siya ng mommy niya na palaging sinisita ng daddy niya dahil hindi daw siya bagay na maglinis ng bahay. Dapat lang daw na maging buhay prinsesa siya dahil siya lamang ang unica hija.

May narinig siyang pumito kaya't agad niya iyong nilingon. She saw G, the guy who always there to bugged her for the past weeks. Nakakainis na nga eh. Palagi na lamang itong nasa paligid kung nasaan siya naroon. Akala mo naman gwapo pero hanggang yabang at yaman lang talaga.

"What's your kailangan na naman ba?" Mataray niyang tanong at pumameywang. Itinabi niya muna ang vacuum para mapagtuunan ng pansin ang pagpapaalis kay G.

Itinaas ni G ang dalawang kamay na tila sumusuko. "Wala pa nga akong ginagawa pero naiinis ka na. Gano'n ba talaga kayo sa mga gwapo?"

"Excuse me, you're not gwapo! You're gwago!"

His Bed WaysWhere stories live. Discover now