Chapter Twelve

590 27 2
                                    


"We are under attack!"

Mabilis ang kilos ni Cate at hinila si Teb at Mara gamit ang kaniyang dalawang kamay. Gusto pa man niyang hawakan si Z ngunit dalawang kamay lang ang meron siya, talagang dalawa lang ang mahahatak niya.

"We need to get out of here na! Cover your bibig and ilong!" Sigaw niya bago hinila ang dalawa patakbo.

Nag-uumpisa ng kumapal ang puting usok na nilalabas ng bagay na inihagis na inakala niyang bomba. Marami ring taong nagsisiksikan upang makalabas ng event. Nagpa-panic na ang lahat and she is too pero pilit niyang pinatatag ang sarili. She is trained to this, para saan pa ang pinag-aralan niya kung babalewalain niya lang din iyon?

She stopped from running when a man suddenly appear in front of her. Sa gulat niya ay nabitawan niya si Teb at agad nasapak ang nasa harapan niya.

"Damn you! Damn you!" Inis niyang tili dahil hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya.

Inaasahan niya ng gaganti ang lalaki kaya't inilagay niya sa likod si Teb at Mara na takot na takot na. Hindi na niya malaman kung nasaan si Z ngunit hindi na ito sumunod sa kanila. Nag-aalala man siya pero alam niya namang may kakayahan din si Z. Para saan pa at nakasali ito sa ACE kung wala?

She give him a round kick but he manage to dodge it using his hands. He forcefully attacked her belly using his fist but she step backwards and hold his arms. Sa liit ng daliri niya sa kamay ay hindi niya nahawakan ang braso nito at nadulas lang nang bawiin nito ang kamay.

"C-cate!"

Rinig niya ang takot na sigaw ni Teb kaya't saglit siyang na-distract at natamaan ang braso niya nang suntukin nito.

"Ugh!" Inis niyang daing at gumanti ng pag-atake sa lalaki.

Matangkad ang lalaki at may malaking pangangatawan kaya't hindi niya talaga sigurado kung kakayanin niya but hey! She's Hecate Styx Montinez-Vladimir! Nasa dugo nila ang ganito kaya malamang na makakaya niya rin ang laki nito!

Nagpalitan sila ng suntok ng lalaki. Oo, nakakatama siya pero tila hindi naman ito nasasaktan. Masiyadong malambot ang kamao niya para sa ganitong mano-mano. Kung magtatagal pa 'to, malamang na matatalo siya!

She gasped when in a swift second, the man's fist is only inches away to her face. Tumigil lang iyon doon ng ilang segundo bago ibiniba ang kamao. Doon niya lang nakita na may kamay na nakahawak sa balikat ng lalaki para pigilan ito.

"Stop it, Jade." Tamad na sabi ni Teo. Oo, ni Teo!

Doon niya lamang narinig ang isang malakas na palakpak na tila inilapit sa mikropono ang palad nito upang iparinig lamang ang pagpalakpak nito.

"Did you like the scene, ACE?" Boses ng isang babae ang kaniyang narinig sa mikroponong iyon.

Doon niya lang din napansin na ang usok na nagkakalat kanina ay unti-unti ring nawala. Peke lamang ang usok na iyon!

"Klaren." She heard A's voice. Nagulat pa siya nang malapit lang pala siya sa direksyon nito.

"Hi there, ACE's leader!" Magiliw na sabi nang babae at nang makita niya ito ay napanganga siya. It's Klaren McLaren! The famous model in the US!

Kalmadong naglakad palapit si A kay Klaren. Shit! Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang modelong iniidolo niya. Nang dahil din kasi kay Klaren ay nagustuhan niya ang pagmomodelo ngunit hindi nga siya pinayagan ng kuya niya!

"Sana kami na lang, Klaren. Hindi mo kailangang mandamay." Mahinahong pahayag ni A habang lumalapit kay Klaren.

Doon niya lamang din napansin ang mga tao kaninang nagtatakbuhan. Kumonti ang mga ito dahil nakalabas na ng event ang iba ngunit naroon pa rin ang pagkabigla sa iba dahil isa lamang palabas ang lahat.

His Bed WaysWhere stories live. Discover now