Chapter Sixteen

589 32 2
                                    


Tulalang nakatitig si Cate sa kisame habang nakahiga sa kaniyang kwarto. Ang larawan ni Klaren at X ang kaniyang nakikita kapag siya ay pumipikit kaya't tumulala na lamang siya at nagpasiyang huwag ng matulog.

Naguguluhan siya. Ang alam niya kasi ay ang manager ni Klaren ang may gusto kay X at si Klaren ay para naman kay A. May hindi ba siya nalalaman? May relasyon ba ang dalawang o pinagtataksilan sila ni A nina X at Klaren?

She laughed sarcastically when she realize what's on her mind.

X cheated on her? Bakit? Ano ba ang relasyon niya sa lalaki? May label ba sila?

Maaaring sinabi nga ni X na siya ay para lamang dito ngunit ito ba ay sa kaniya din? Hindi. Walang kaniya. Walang sila.

Sad but true. This is reality kaya marapat lamang na sampalin na siya ng katotohanan. For months, she's been dreaming that X is Prick and she loves Prick.

Maybe it's time for her to leave this place. Hindi naman kasi siya naratapat dito. Dapat lang naman talaga na tanggapin niya ang katotohanang wala na si Prick at kailan man ay hindi na ito magbabalik dahil nasawi na ito. She needs to move on.

Pero kakaibang sakit kasi ang naramdaman niya ngayon. It felt new to her. Hindi niya pa naramdaman ito noon. Ang sakit na halos gusto niyang humagulgol sa iyak ngunit pinigilan niya. Hindi siya dapat umiyak ng walang dahilan. Spoiled siya at hindi iyakin. Hindi dapat iniiyakan ang lalaking walang isang salita.

Unti-unti ng pumikit ang talukap ng kaniyang mga mata hanggang sa nahimbing na ang tulog niya.

She wakes up at noon. Marahil ay napuyat siya masiyado sa kakaisip ay nasobrahan naman ang himbing ng tulog niya. But it's okay, at least gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano. Naroon pa rin ang sakit but she knows she can manage it. Para saan pa at naging anak siya ni Phemie at Primo, diba?

Lumabas siya ng kaniyang silid at wala siyang nakitang member ng ACE na nadatnan sa labas. Marahil ay nagme-meeting na naman ang mga ito. Actually, she's curious about it ngunit magaling magtago ang mga ito. Palagi siyang nahuhuli sa pagtatangkang makinig sa mga ito.

Halos lahat ng miyembro ay magagaan ang mukha. Iyon bang palaging masaya at nakangiti ngunit ramdam niya. Nararamdaman niya ang kakaibang awra na bumabalot sa bawat isa. Although may ibang hindi ganoon ngunit karamihan ay iyon ang napapansin niya especially A and X. Nakaka-intimidate ang awra ng dalawa ngunit hindi niya lang pinapahalatang napapansin niya iyon. She's a best actress.

Mabuti na lamang at may iniwang pagkain ang mga ito. Ininit na lamang niya ang ulam at kanin bago siya kumain. Napakatahimik ngunit paunti-unti na rin siyang nasasanay. Hindi na nga rin niya masiyadong nakakasama si M, J at P dahil busy na ang mga ito.

"Kumakain ka." Bungad ng isang boses sa kaniya habang ngumunguya siya.

She rolled her eyes. 'Obviously.'

Umangat ang ulo niya at nakita si A na nakangiti sa kaniya at umupo sa katapat niyang upuan.

Ilang siyang tumango. Naalala niya kasi ang sinabi nito sa kaniya. "Ah... yeah."

Ipinatong ni A ang dalawang palad sa lamesa at sinundan naman ng mata niya ang bawat galaw nito. His smile is not a friendly smile anymore, it's a dangerous smile for her. She can feel it.

"Do you feel anything?"

"Ha?"

He smirked. "Wala ka pa bang nararamdaman sa katawan mo?"

She blinked twice before looking at her food. Nanlaki ang mata niya nang ma-realize ang ipinupunto nito. "M-may poison 'to?"

He chuckled. Tumayo ito at kinuha ang kutsara niya saka tinikman ang ulam. "'Pag tumalab sakin, ibig sabihin nilason mo ako."

His Bed WaysWhere stories live. Discover now