Chapter 6

688 36 0
                                    


Cate is stomping her feet on the floor while looking at herself at the body mirror in front of her. Nakasimangot siya at inis na inis sa suot niya. Hindi ganito ang style niya!

Nakasuot kasi siya ng maong na pantalon at malaking t-shirt na itim, umabot ang shirt na iyon hanggang itaas ng tuhod niya and it looks so baduy. This is not her style because it's not fashionable. She wants to look perfect outside para naman maipagyabang niya rin ang genes nila.

She bet the shirt she was wearing is X' shirt. Sobrang laki talaga niyon sa kaniya. Ikumpara naman kasi ang katawan nito sa katawan niya diba? Yummy and sexy ang katawan ni X na medyo mabato-bato while her body is a coca-cola body. Sexy siya kaya dapat ipakita niya.

Biglang nagkaroon ng imaginary light bulb sa itaas ng ulo niya nang may maisip. Kinuha niya ang magkabilang dulo ng itim na shirt, itinaas iyon hanggang kaniyang tiyan bago itinali. Nakita niya lamang iyon sa 5 minutes craft nang madaanan niya sa YouTube. Dahil maluwag sa bandang leeg niya ay ginawa niya iyong off-shoulder. Ang buhok niyang hanggang kaniyang balikat ay tinali niya lang ng ponytail and she's done!

Kumindat siya sa salamin at nag-flying kiss. She looks so cute and so fucking sexy at the same time! Hindi niya alam na ganoon siya kaganda para kayang ipagsabay ang iilang words na bagay talaga sa kaniya. Beauty, cute, sexy and seductive. Mahirap talaga talunin ang beauty niyang pang-rampa.

"Na-flush mo na ba sa toilet?" Tanong ni X sa labas ng banyo kung nasaan siya naroon.

Napasimangot siya bago muling tumingin sa salamin. Ang cute niya talaga! Gosh!

"I'm done!" Sigaw niya bago nakangiting binuksan ang pintuan ng cr. Sumalubong sa kaniya si X na nakasandal lamang sa pader. "So, how do I look?" She asked him and turned around. 

Imbis na makakuha ng sagot mula sa lalaki ay mabilis itong lumapit sa kaniya. Salubong ang kilay na tinanggal nito ang pagkakatali ng ilalim ng shirt at inayos rin ang manggas sa kaniyang balikat. Laglag ang pangang pinagmasdan niya ito. Hindi pa nakuntento at tinanggal din ang kaniyang panali sa buhok bago iyon ginulo.

"What in the world is your problem?!" Galit niyang sigaw. Now, she looks baduy na naman!

"Let's go." He grabbed her arm and started walking while holding her kaya napasama siya sa paglalakad nito.

And because she's not in the mood na, hinila niya rin ang braso niya. "Ayoko!"

X sighed. "Don't be hard headed. Come on." 

"No! Dito lang ako!" Bigla siyang umupo sa sahig while crossing her arms on her chest. Nawalan na siya ng mood, dito na lang siya.

Pupunta kasi sila ngayon sa Tagaytay gaya nga ng sinabi nito kanina. Wala dapat siyang balak sumama pero naisip niyang bagong adventure ito ng buhay niya diba? Naisip niya kasing puro na lang siya party, nakakasawa rin pala kaya bakit hindi na lang siya sumama dito?

She know it will be dangerous for her to come in Tagaytay with X na hindi naman talaga niya kilala but she really felt comfortable with him. Hindi naman kasi siya nito sinaktan. He just kissed her at para sa kaniya, normal lang iyon. Wala naman kasi talagang nakaka-resist sa seductive lips niya and as if it's her first kiss, eh hindi naman.

His Bed WaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora