Chapter Twenty

620 35 2
                                    


Ilang minuto na siyang parang tangang nag-aalala para sa mga tao sa labas. Nakatunganga lamang siya sa loob ng basement at pilit pinapasok sa isipang dilikado na nga ang kaniyang lagay sa daming rebalasyong naganap kanina.

Kutob na niya ito eh. Hindi niya alam kung bakit hindi pa siya naniwala sa sarili noon pa man. Nasaan na ba ang Hecate Styx na walang pinaniniwalaan kun'di ang sarili lang? Nasaan na ang Hecate Styx na matapang at hindi iyakin? Ang conyo at maarteng si Hecate Styx ay unti-unti ng naglalaho pero ayaw niyang magbago. Nais niyang magbalik sa dating siya.

She stood up. Walang mangyayari kung nakatunganga lamang siya at nagtatago sa basement. She's not a Princess na kailangan pang iligtas ng kaniyang Prince charming. Mayroon siyang sariling kakayahan at lakas, para saan pa iyon kung mananatili lang siyang nagtatago?

Sumilip siya sa magkabilang gilid nang makalabas sa basement. Maingat siyang naglakad ngunit hindi ganoon kagaling katulad ni X. Kung marunong lang din sana siyang mag-stealth walking.

Narinig niya ang mga ingay mula sa living room ng HQ. Tila nagkakagulo ang lahat nang madatnan niya ito sa akto. Halos hindi na rin niya makilala ang mga gamit dahil sira-sira na ang mga ito.

"Cate, you must hide!" M shouted at her and tried to punch the guy's face.

Mariin siyang umiling at iniwasan ang bawat gamit na pinaghahagis ng mga nag-aaway. Alam niyang hindi lang ang myembro ng ZECOND at ACE ang naririto kun'di ang mga tauhan din.

Tumakbo siya palabas ng living room. Nag-aalala siya kay Oddy. Alam niyang narito ang nakatatandang kapatid upang kunin siya. Hindi nga lang niya alam kung paano nitong nalaman kung nasaan siya naroon. Hindi niya rin alam kung magandang timing ba ang pagsugod ng ZECOND sa kuta ng ACE.

Isang kamao ang bigla niyang nakitang papalapit sa kaniyang mukha. Mabilis niya iyong naiwasan at tinadyakan ang gitna nito. Bigla rin siyang napa-igik dahil masakit pa rin ang pagitan ng kaniyang mga hita. Lintek, hindi nakikisama ang katawan niya!

A hand wrapped on her arms. Mabilis naman siyang nagkukumahog na tanggalin iyon ngunit mariin itong umiling.

"Miss, kailangan mong sumama sakin." He said seriously.

"No! Ayoko!" Pilit siyang nagpupumiglas sa lalaking hawak ang braso niya ng mahigpit.

"Miss Hecate, you're in danger here. Sumama ka na sakin."

"Ayoko! Who are you ba?! Ayoko nga!"

He sighed frustratedly. Tila naubos na ang pasensya nito at binuhat siya nito sa balikat. Tuloy ay nakabaliktad niyang pinagpapalo ang likuran nito.

"Put me down, you monkey! Nakakainis ka! Nakakainis ka!"

He tsked. "Guwapo ko namang unggoy."

"I heard you!" Pikon niyang sigaw.

"Congrats. Hindi ka bingi."

"Ugh! Oh my g! Nakakainis ka!" Inis na lamang niyang sigaw. Hindi niya akalaing may mas nakakainis pa pala kesa kay Jade.

She gasped when she saw A at the man's side. May hawak si A na baril at sa tingin niya'y ipuputok nito iyon sa direksyon nila. Handa na sana siyang sumigaw upang sabihin sa lalaki iyon nang ibaba siya ng lalaking may buhat sa kaniya at sabay silang dumapa, nasa sahig siya habang ang lalaki naman ang nasa itaas niya upang protektahan siya. Kasabay ng kanilang pagdapa ay ang pagputok ng baril ni A. Tila naramdaman na ng lalaki ang presensya ni A bago pa man niya makita.

"Sayang, 'di ako sharp shooter." At tumawa na nga ng malakas si A na tila nasisiraan na ng bait.

Sa mabilis na galaw, naitayo na siya ng maayos ng lalaki at iniharang nito ang sarili na tila pinoprotektahan siya. Teka, sino ba ang lalaking ito? Hindi naman niya ito kilala ngunit ipinagtatanggol siya nito.

His Bed WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon