Chapter 2

996 39 1
                                    


Cate is listening to the new song of her favorite k-pop boy band group, Straykids, habang katawagan si Cherry. Naiinis ito at kung ano-anong pinagdadaldal sa kaniya pero tumatawa lamang siya.

[Ang hirap suyuin ni bakla! Kainis!] Ungot nito sa kabilang linya.

"You know naman na mas maarte pa siya sa girl eh!" She said while swaying her hips. Nakikisabay ang katawan niya sa liriko ng kanta.

[Ugh! Kung hindi ko lang talaga siya mahal!]

"But you are in love with him! Haha!" Umakyat siya sa kama at doon nagtatalon-talon. "Give him flowers or what! Basta the cheesy way na ma-isip mo!"

[Okay, fine! I'll hang up now!] 

Hindi na siya hinintay pa ni Cherry na makapag-paalam dahil ibinaba na nito ang tawag. Hindi naman siya nagpa-apekto at nagpatuloy sa pagsayaw.

Cherry is her best friend. They met ten years ago. Noong una ay naiinis siya dito dahil tinangkang agawin nito ang kuya niya kay Talya na siya namang bet niya para sa kuya niya. Pero tignan mo nga naman ang tadhana, hindi niya akalaing magiging ganito sila ka-close ngayon.

And the guy, Cherry was talking about, is her boyfriend na pinsan niya pa mismo sa ama. His name is Cass, not straight and gay. Mabuti na nga lang at tumutuwid na rin ang landas ng bakla nang ligawan ito ni Cherry and the rest is history. Hindi niya nga akalain noon na magkakatuluyan ang dalawa. Cherry the bisexual and Cass the gay.

While she was dancing, the door open and her father entered inside her room. Primo is wearing a suit and he looks so handsome, hindi halatang may anak na itong tatlo.

"Dad?" Her brows arched, nagtatakang tinignan niya ang ama.

"Remember what I said two days ago? Hihingi ka ng sorry sa anak ng congressman." Anito at naupo sa gilid ng kama niya.

"But that was two days ago! You said tomorrow lang pero inabot na ng two days! Hindi dapat valid yun, expired na!" 

"Don't be hard headed, Hecate. I don't want the media pestering me."

Pabagsak siyang naupo sa kama. "You don't want it? Sikat ka na, daddy! Makikita na sa TV ang handsome kong daddy!"

"Hecate Styx..." May pagbabanta na sa tono ni Primo.

She pouted her lips. "Fine! Give me twenty minutes to prepair!"

Pumasok siya sa banyo upang maligo, binilisan niya lamang dahil minuto lang ang hiningi niya. Dapat pala ay isang oras na lang. Pag labas niya sa banyo ay wala na si Primo, mabilis siyang naghalungkat sa closet ng damit na susuotin niya.

Cate is an interior designer in her father's company ngunit minsan lamang siya magkaroon ng project dahil hindi niya tinatanggap, mas gusto niyang magliwaliw na muna total ay bata pa siya. Mayaman naman sila at kaya pang tustusin ng mga magulang ang pangangailangan niya. She wants to go party everywhere, she wants to enjoy her life, ayaw niyang magaya kay Oddy at Talya na sa murang edad ay pinoproblema na ang pag-ibig. She just wanted to be free.

Actually, she is up to modelling but her brother, Oddy, didn't agreed. Malaswa daw ang isinusuot ng mga model. She mentally rolled her eyes, hindi lang kasi nito alam ang salitang fashion.

His Bed Waysحيث تعيش القصص. اكتشف الآن