Chapter Twenty-One

604 23 3
                                    


"Eight, how did you... survive?" Nag-aalangang tanong ni Oddy at napatayo ng maayos. "Or... is it really you? Fuck. Ang sakit sa ulo."

Prick tsked and looked at her. "Are you okay?"

Napairap naman siya. Okay? Hello, may nangyari sa kanila at masakit pa ang pagitan ng mga hita niya tapos sasalubong sa kaniya ang napakaraming rebelasyon? Meron pa ngang mala-aksyon na labanang nagaganap at nasabunutan at nasipa lang naman siya ng dalawang babaeng kinaiinisan niya.

Hindi. Siya. Okay.

Pero bakit sasabihin niya pa 'to kay X---kay Prick pala. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwalang buhay nga ang kuya Prick niya noon. Pinagmukha siya nitong tanga sa loob ng ilang buwan. Kung nalaman niya rin sana ng maaga, walang mangyayari sa kanila! Shit! Incest 'to eh!

"One, let's move---" Natigilan si Rei nang tuluyan ng makalapit at natulala kay Prick.

"What the fuck, man?!" Gulat namang salubong ni Harry at tinignan si Prick mula taas at baba.

"Prick? Prick, ikaw ba 'yan?" Sa unang pagkakataon, nakakita siya ng emosyon sa mukha ngayon ni Gav na nagulat nang makita si Prick.

Napaatras si Prick at itinaas ang baril nito. "I'm Prick but not the Prick you knew."

"Woah, man! Wala namang ganyanan!" Harry said and raised his both arms.

"I don't trust any of you." Mariing sabi ni Prick.

Napasinghap naman siya. "How dare you?!"

Prick glanced at her and smiled. "Except you, of course."

"Pull the trigger and you're dead." Seryosong saad ng bagong dating na si Hugo na nakataas din ang dalawang kamay at may hawak na baril na nakatutok naman ngayon kay Prick.

Bigla silang nakarinig ng malakas na paghalakhak mula sa isang tao. Sabay-sabay na nagulat ang mga bagong dating nang makita si A. Sino ba namang hindi? Kahit siya ay nagulat nang malamang ito pala si Johan. Kaya pala pamilyar ngang talaga ito sa kaniya. Hindi nga lang niya natandaan kaagad.

"Ang bilis ng panahon! Hindi ko alam na ngayong araw na pala tayo magkikita-kita! Hahaha!" Nasiraan na ngang talaga ng bait si A.

Nakita niya si Wade na nakikipaglaban na ngayon kay P. Nagulat pa nga siya dahil malakas ngang talaga si P. Kaya naman pala takot si Y at Rue dito. Wala naman pala kasing palag ang dalawa kay P. Nasasabayan kasi nito ang bawat mabilis na kilos ni Wade na tila beterano na rin ito pagdating sa ganito.

"John, is it really you? Are you... John?" Oddy asked. Bakas sa mukha nito ang kalituhan sa mga nangyayari.

"Hi, Dy. Long time no see! Hahaha!"

"Damn. Damn it." Tinignan ni Oddy si Prick at bumalik kay A. Bigla itong napayuko at napasapo sa noo. Sumasakit ngang talaga ang ulo nito.

"We need to hurry, One. The authorities will be here any minute by now." Seryosong saad ni Hugo na nakatutok pa rin ang baril kay Prick.

"No. I need to talk to John and Prick." Sagot ni Oddy at nag-igting ang panga.

"You can't talk to them right now, One. They're not like what they are back then."

"Man, nosebleed." Singit naman ni Harry.

Gav just tsked and turn his back to them. Isinabay na rin nito sa pag-alis ang tulalang si Rei na mukhang gulat na gulat talaga nang makita si Prick.

"Huwag mo akong utusan, Four!" Kumuyom na ang kamao ni Oddy at tila handa ng manapak.

"Oppa..." Hinawakan niya naman ang braso nito sa takot na sugurin nga nito ang kaibigan.

His Bed WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon