Chapter 4

716 34 0
                                    


"What the fork?" Inis na bulong ni Cate habang panay ang pindot sa busina ng Mercedes Benz na sasakyan ng kuya niya.

Hindi na nga ata talaga magbabago ang usad ng sasakyan at traffic sa Pinas. Naiinis siya pagkat naka-stock pa rin siya sa traffic at medyo malayo-layo sa banda niya ang van na sinakyan ng lalaking may pangalang X at ang mga kasama nito.

Muli siyang bumusina nang umusad na ang mga sasakyan ngunit ang sasakyan sa harapan niya ay mabagal ang takbo. Unti-unti na rin siyang napupuno at baka mamaya ay masigawan niya ang nagmamaneho ng sasakyang iyon.

She manage to turn the vehicle to the right corner when the van she was following turned right. Sa kalsadang ito'y lumuwag na ang daan bagama't kakaunti lamang ang poste ng ilaw sa paligid kaya naman dilim ang sumasalubong sa kaniya. Hindi niya naman binuksan ang ilaw ng sasakyan dahil baka makahalata ang mga itong sinusundan niya, mas maigi ng mag-ingat.

Kung saan-saan lumiko ang van at sa nililikuan nito'y pasikip ng pasikip ang kalsadang tinatahak. Gusto niyang magreklamo 'pagkat nahihirapan na siyang magmaneho ngunit naalala niyang siya nga pala ang stalker sa kanila. Sino naman ba kasing stalker ang magrereklamo sa mismong pinapasundan niya?

Kinuha niya ang phone na nakalagay lamang sa passenger seat, medyo nahirapan siya ngunit nagawa niya naman iyong kunin. Wala namang tumawag ngunit nag-text sa kaniya si Meyan. Nang tignan niya ang oras ay 9:40 pm na. Ilang oras na rin pala siyang nakasunod lang sa van.

She hissed and looked infront. Nangunot ang noo niya nang hindi na niya mahanap ang van. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at hindi niya alam kung saan na siya liliko. Anak ng---mukhang naliligaw pa nga ata siya!

Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang tila hotel, doon muna niya ipinarke ang Mercedes Benz bago siya bumaba at nagtanong sa receptionist.

"Uhm...kuya, anong lugar po ba ito?" She asked while raising her brows.

The man innocently smiled. "Naku, ma'am, kung naliligaw po kayo, mabuti pang ipagpabukas niyo na lang po at magpahinga na muna. Tutulungan ka po naming ihatid sa lugar mo bukas, halata naman kasing pagod na kayo, ma'am."

Napaisip naman siya. Kung sabagay, pagod na nga siya. Nais niya ng magpahinga dahil sa ilang oras na pagsunod niya. Magpapaalam na lang siyang nakitulog sa bahay ng kaibigan niya.

"Okay." She said and paid for her stay for tonight. Room 103 ang susing ibinigay sa kaniya kaya't sumakay na siya ng elevator.

Bagsak ang balikat niya dahil nanghihinayang siyang hindi niya nasundan pa ang van ng X na iyon. Sayang nga lang. Kung sana'y may nakalap na siyang impormasyon patungkol sa lalaki.

Sa pagbukas ng elevator ay nakayuko siyang lumabas ngunit nabunggo lang ang ulo niya sa isang malapad na dibdib. Agad siyang nag-angat ng tingin upang mapasinghap lang sa mukha ng lalaking kaniyang pinagmamasdan.

P-paano?

She flinched when he grab her arms tightly. Hinila siya nito at pumasok sila sa isang silid, sa isang iglap lang ay naipinid siya nito sa likod ng pinto.

"W-what the fork are you doing?!" She asked, nagawa niyang magtanong ng pasigaw ngunit hindi maitatagong nanginginig na rin siya sa takot.

Hindi man lang kakikitaan ng emosyon ang lalaki. He leaned forward and stared at her for a minute before sighing. "Do you know what I hated the most?" Malalim ang boses nitong tanong, ang mata ay nakatingin lamang sa kaniyang mata.

"W-what is it?" She asked ngunit agad ring tumikhim. "I mean, and so? Wala akong pakialam."

Matunog na ngumisi ang lalaki na tila naaaliw sa ipinapakita niyang katapangan. "Oh lady, I can smell your fear."

His Bed WaysWhere stories live. Discover now