Chapter Fifteen

560 33 5
                                    


Lumabas si Cate mula sa opisina ni A na tulala dahil pinapasok niya pa sa kaniyang utak ang mga sinabi nito. Hindi niya talaga maintindihan pero sigurado siyang may galit si A sa kaniya... o hindi kaya sa kuya niya?

Tila malalim ang pinaghuhugutan ni A sa emosyong ipinakita nito sa kaniya kanina. Usually kasi, ngingiti lang palagi sa kaniya ang lalaki kapag nakakasalubong niya. He has a friendly smile and now that he said those words to her, she knows it will change.

And the way he asked her those question made her really curious. Tinanong siya nito kung kilala niya ito at nang walang makuhang sagot mula sa kaniya ay tila sigurado si A na nakalimutan niya nga ito. Is this the reason why he looks familiar to her?

But when did she saw him? Saan niya nga ba nakita si A? Kailangan niya iyong maalala nang sa gayon ay mapanatag naman ang isip niya!

"Hecate Styx!"

Napatalon siya sa gulat at namimilog ang matang tinignan si X na bagama't nakakunot ang noo ay may bahid ng pag-aalala ang makikita sa mga mata nito.

"B-bakit mo ako ni-shout?" She innocently asked.

Dumilim ang mukha nito at hinawakan ang kaniyang balikat ng mariin ngunit sa magaan na paraan at tila nag-iingat na huwag siyang masaktan.

"What did he do?"

She blinked.

"Hecate Styx!"

She gasped. "Bakit ka ba nag-shout?! I'm not bingi naman!"

He sighed. "I'm sorry. I was calling you multiple times already pero nakatulala ka lang. What did he do? Did he hurt you?"

Umiling siya. "Wala. Nagthi-think lang ako kanina."

His forehead creased and she knows he didn't buy her excuse.

"I-iniisip ko lang si Mommy and Daddy."

Lumambot ang mukha nito. "You miss them?"

Nakahinga siya ng maluwag nang kagatin nito ang dahilan niya. Gusto niya mang sabihin kay X ang pinag-usapan nila ni A ay hindi maaari. Ayaw niyang mapahamak pa si X at madamay sa problemang kailangan niya agad na aksyonan.

Kinabukasan ay hinanap niya si Jade. Hindi siya naipagtanggol ni Jade dahil hindi naman big deal ang nangyari kay Rue para kay A pero nais niya pa rin itong tulungang bilhin ang kailangan ng kapatid nitong babae. Napapangisi na nga lang siya dahil ang sweet naman ni Jade sa kapatid nito. Parang si Oddy lang noon. Protektado rin kasi siya ng kapatid at talagang spoiled siya dito.

Actually, she miss Oddy. Noong nagpuntang Britanya ang lalaki kasama ang asawa't anak ay nalungkot siya. Nasanay kasi siyang palaging nariyan ang kuya niya upang kumontra sa mga gusto niya na hindi naman nito gusto. Nami-miss niya na ring kulitin ang pamangkin niyang si Thaddeus at ganoon din si Talya na ina nito at asawa ng kuya niya.

Hirap na hirap siyang hanapin si Jade dahil kung saan-saan naman nagpupunta ang wirdong lalaking iyon. Kahapon nga ay nakita niya ito sa bubungan na tumalon sa balcony niya.

He eyes widened. Sa bubungan!

Mabilis siyang tumakbo papasok sa kaniyang silid at nagtungo sa balcony. Sumandal siya sa railings sa balcony habang tinitingala ang bubungan, pilit niyang sinisilip kung naroon ba si Jade. Gustuhin niya mang akyatin ito ay hindi niya naman kaya. Hindi naman kasi siya katulad ng kaniyang ina na nagpa-parkour. Sa susunod nga ay magpapaturo na siya dito.

"Jade? Jade? Are you there?" Aniya habang palinga-linga sa bubungan ngunit dahil mataas iyon masyado at kahit tumingkayad ay hindi niya makita.

She looked at the chair and put it beside the railings. Tumungtong siya doon ngunit ganoon pa rin ang nangyari kaya naman tumingkayad siya ng kaunti ngunit isa pala iyong pagkakamali.

His Bed WaysWhere stories live. Discover now