Chapter Eleven

576 29 1
                                    


"Anong think mo nito? Is it bagay for me?" She asked X and turn around.

"Nah. Change it."

Napasimangot siya sa bagot nitong sagot. "Come on, Irus! I changed five times na! Hindi naman ikaw ang nahihirapan kaka-change eh! I'm napapagod na ha!"

"Tss. I don't like it. Change." Sinandal nito ang likod sa back rest habang naka-krus ang braso bago pumikit.

"No! I won't change!" Inis siyang nagdabog at naupo rin sa sopa ngunit malayo ng kaunti dito.

"Hecate Styx." He said it like a warn to her.

"What? Tingin mo, I'm scared? Hindi mo ako madadaan sa way na yan, Irus."

He sighed before closing their gap. Umakbay ito sa kaniyang balikat at hinapit pa siya papalapit dito. Kakaibang kiliti naman ang naramdaman niya sa kaniyang tiyan. Nakakakiliti iyon ngunit masarap sa pakiramdam.

"Palit ka na, hmm? Please?" He said sweetly. Malambing nitong inilagay sa likod ng kaniyang tainga ang tumakas na buhok sa kaniyang mukha.

Her cheeks heated. "B-but I love this dress."

"And I don't." X sighed. "It's too revealing, Styx. I can't let you go out wearing that dress."

Naningkit ang mata niya at nilingon ito. Matapang niyang pinagmasdan ang mata nitong matiim na nakatingin din sa kaniyang mata. Magkalapit lang ang mukha nila a isa't isa at nakakailang iyon para kay Cate pero pinatapang niya ang sarili.

"Wala ka talagang know about fashion no?"

"Of course meron." Ipinatong nito ang baba sa kaniyang ulunan at sininghot ang kaniyang buhok. "But it's different when it comes to you, Styx."

"Anong different naman?"

"Basta."

She rolled her eyes. "Oh come on, huwag kang pabebe."

He chuckled. "I'm not. Just change your dress now, okay?"

"Ugh! Fine!"

Muling naghanap si Cate ng kaniyang susuotin sa party na dadaluhan nila. Imbitado si X at siya ang gagawing partner nito. Hindi na rin naman siya tumanggi dahil nami-miss na niya ang pag-party.

Lumabas siya sa loob ng dressing room at ipinakita kay X ang kaniyang suot. It is a white long sleeve on top that hugs her curves and above the knee black skirt with white belt. She paired it with a black boots na ang haba ay hanggang binti niya lamang.

"Okay na ba?" She asked him.

He crept a smile. "Yeah."

Tumayo na si X upang bayaran sa kahera ang damit niya ganoon din sa suot nito ngayon. Isang two piece tuxedo ang suot ni X na pinaresan ng isang pants habang nagliliwanag naman sa linis ang black shoes nito. He looks so manly yet yummy.

"You hungry?" Tanong ni X na kinabitan pa siya ng seatbelt bago nito kinabitan ang sarili.

"Not really. Sa party na lang ako mag-eat." She said and flip her hair.

Nakaayos na rin ang buhok niya ngayong wavy at tanging hairband lang ang suot sa ulo para naman may kaunting kinang iyon. Kontento naman na siya sa suot niya kahit na hindi niya masyadong hilig ang long sleeves. Mainit kasi sa pakiramdam and she wants to expose her skin but X won't let her. Ayaw niyang mag-assume pero kilos na mismo ni X ang nagpapahalata dito. Gosh, ang assuming niya talaga!

X started the engine and drove the car. Sa biyahe ay inaantok siya pero pinilit niyang huwag makatulog. Masiyado kasi siyang pinagod ni X kagabi. Hindi naman umabot sa bigayan ng virginity, hanggang make out lang sila, pero nakakapagod pa rin.

His Bed WaysWhere stories live. Discover now