24

45 3 0
                                    

PARTY


Isinarado ko na ang gate at naglakad na papasok sa loob ng bahay. Magsusuot na sana ako ng slipper na panloob nang bigla akong nakarinig ng doorbell. Agad namang tumakbo ang isa sa mga kasambahay para pagbuksan 'yon.


"Ako na po, Ate." Sabi ko. Nag-aalinlangang tumango ang kasambahay at bumalik na lang sa loob. Binuksan ko ang gate at nagulat nang makitang nadito pa siya.


"You haven't eaten dinner yet, right?" He pulled his bottom lip between his teeth and looked away.


"Oo. Ikaw din ba? Dito ka na lang mag-dinner." I opened the gate wider.


"Sa... labas na lang tayo kumain."


Pinaandar niya ang kotse niya. Nag-ayos na ako ng seatbelt at sinimulan niya na itong patakbuhin. Music lang ang bumabasag sa katahimikan namin maliban sa mga andar at busina sa labas.


"Saan mo gusto?" Tanong niya habang naghihintay kaming mag-green ang traffic light.


"Ayos lang ako sa fast food. Ikaw ba?"


"Sige, fastfood tayo." He smiled.


Drive-thru lang sana kami kaso napansin kasi naming may mga vacant seats pa naman kaya nag dine-in na lang kami. Pinaupo niya muna ako bago siya nagpunta sa counter para sa orders namin. Sasamahan ko pa sana siya pero sabi niya siya na raw.


Nakatingin lang ako sa kanya habang nakapila siya sa counter. Mas matangkad si Vico kaysa sinundan niyang lalaki kaya kitang-kita siya ng cashier. Napansin ko pa ngang tumingkayad pa ang cashier ng kaunti tila sinilip si Vico. Agad namang pumula 'yung pisngi ng cashier. Nang si Vico na ay malapad na malapad ang ngiti ng cashier. Napamasahe ako sa ulo ko at napailing.


"Ang tagal ko ba?" Malungkot niyang sabi sabay lapag ng tray. Napasulyap ako sa may cashier at nahuling nakatingin siya sa amin. Palipat lipat ang mata kay Vico at sa akin. Nang mapansing nakatingin ako sa kanya ay kabado siyang umiwas nang tingin at ibinaba ng kaunti ang cap niya.


"Uy, si Engineer 'andito!"


Maingay sa loob ng fastfood pero nang may sumigaw niyan ay natanto kong hindi dahil narinig ko kaagad. Pinasadahan ko nang tingin ang fastfood. May kadarating lang na grupo ng mga lalaki na nasa may bandang entrance at parang nakatingin sa table namin.


"Hoy, Engineer, ba't nandito ka? 'Di ba, sabi mo uuwi ka na?" Sabi nang lumapit na matangkad. Nakasuot din siya ng gaya ng kay Vico. Humalukipkip siya habang nakaharap kay Vico. Napatingin ako kay Vico na pasimple lang siyang sinulyapan.


"Hindi pa 'ko nakakain ng hapunan." Walang emosyon niyang sabi. Lumapit naman sa table namin ang mga kasama ng lalaki kanina sa entrance.


"Kita mo na? Ha!" The guy with messy hair scoffed. "Pinigilan ka namin kanina na huwag munang umalis. Kasi maghahapunan tayo doon. Ano'ng sagot mo? Nagmamadali ka?" Tahimik akong natawa sa lalaking nagsalita. Nagmumukha kasi siyang Mommy ni Vico kasi pinagpagalitan niya.


"Oo nga! Oo nga! 'Yong totoo, Vico, gusto mo ba talaga kaming kasama?" Exaggerated na sabi ng medyo mataba habang nakanguso na parang bata.


"Hoy, gagi, may kasama pala si Engineer." Siniko sila ng isa na naka-glasses. Ngayon ko lang din napagtanto na hindi nila ako napansin. Gulat silang napatingin sa akin at awkward na tumawa.


"A-ay, k-kasama mo pala gf m-mo, l-lodi?" Nauutal na sabi ng medyo magulo ang buhok sabay tawa. Did he just called Vico 'Lodi'? Ang cute naman.


CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon