45

69 3 0
                                    

VIDEO


"Birthday ni Aliza bukas. Sama ka sa amin, Seah, ha?"


Felice told me, pouting her lips. I didn't respond to her. Instead, I just looked at her. I sighed when she pouted more. I shook my head as my response and continue reading the book.


"Masyado mo naman 'ata sineryuso ang pagiging KJ mo, Kreanaseah Jullianna," reklamo niya.


Tumawa ako habang umiiling. "Busy ako, Lice."


"Ang sabihin mo ayaw mo talaga sa amin!" Pagdadrama naman ni Sky.


"Hindi, 'no!" giit ko agad. "Hindi sa ayaw ko sa inyo. Busy lang talaga ako."


They are my block mates. Sila ang naging kaibigan kong hindi ko inaasahan na maging kaibigan. Paano ba naman kasi, si Felice, mukhang mataray. Tapos si Sky no'ng una tahimik lang sa gilid. E', scam pala 'yon dahil ang ingay-ingay niya kasama.


"Busy? E', the last time we did a surprise visit to your condo, you're just sleeping. You just woke up when we bang your door." Sky rolled her eyes before sipping on her coffee.


Natigilan ako sa sinabi niya dahil totoo 'yon. Palagi kong sinasabi sa kanila na busy ako. Totoo naman talagang busy ako at nakatulog lang ako no'n dahil sa pagod. Hindi na nga ako nakakain ng tanghalian no'n, e'.


"Sige na, Seah, sama ka na sa'min!" Niyakap ni Felice ang braso ko, pinipilit akong sumagot ng 'oo'.


Bumuntong-hininga ako. "Do I have other choices?"


"Yay!" sabay na tili nila. "Susunduin ka ni Sky sa condo mo, ha? Maghintay ka roon."


"Ano'ng oras ba ng party ni Aliza?" tanong ko habang nililigpit na ang mga gamit dahil pasado alas-otso na ng gabi at nandito pa kami sa isang coffee shop.


"Seven daw 'yong sa bahay nila," sagot ni Sky.


"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Dalawa 'yong party niya?"


Felice nodded. "Formal 'yong sa bahay nila. Sa after-party, puwedeng wild na tayo." Bumungisngis siya na sinabayan naman ni Sky.


"Yaman talaga nila, 'no? Senador kasi 'yong Tatay!" sabi ni Sky.


"Mauna na ako sa inyo," pagpapaalam ko sa kanila.


"Sumabay ka na sa amin. Ida-drop ka namin sa condo mo," Felice offered.


Sumabay na lang ako sa kanila. Madadaanan lang din naman nila 'yong condo ko bago 'yong sa kanila. Pasalampak akong humiga sa kama pagdating ko sa unit ko. Gustong-gusto kong matulog na lang dahil inaantok na 'ko, pero kailangan ko pang maglinis ng katawan.


I tied my hair into a bun as I decided to take half-bath instead of taking a shower. I just felt so sleepy right now that I can't be sure if I will be able to blow dry my hair before sleeping.


"Magsasalita pa ba 'ko, e', si Seah nga sa tatlong university dito sa Manila na tinake-an niya ng entrance examination, pasado siya sa dalawa," sabi ni Sky habang kumakain kami sa cafeteria.


Kahit ako, hindi ako makapaniwalang pumasa ako sa dalawang university. Hindi nga ako halos nakapag-review ng maayos no'n, e'. Palagi lang akong umiiyak. Ang sakit kasi ng mga nangyari no'n. Kahit ngayon man, masakit pa rin.


"I wonder if you have a boyfriend since then, Se," Felice said while chewing her food.


"Ano'ng oras mo 'ko susunduin mamaya, Sky?" pag-iiba ko sa usapan.


CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Where stories live. Discover now