16

45 4 0
                                    

PLAYBOY

"Ikaw?" tanong niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sagot niya. Seryuso ba siya? 'Yong relo lang talaga 'yong pinaka-the best na regalo niyang natanggap?

"H-ha? Hindi, a'! Hindi ako ang nagbigay sa'yo niyan!" Pagtatanggi ko kasabay ng pag sipol ng kaba sa dibdib ko.

Traffic kaya puwede siyang hindi muna tumingin sa daan. Hinarap niya ako habang tumatawa.

"Ano'ng pinagsasabi mo? Ibig sabihin ko, ano 'yung sa'yo. Ano'ng pinaka-the best mong regalo na natanggap." Natatawa niyang sabi.

Napataas ang kilay ko sa gulat. Ah, gano'n pala 'yong ibig niyang sabihin?

"Wala," tipid kong sagot. "Wala naman kasing exchange of gifts na nangyari sa Alaska noong nandoon kami."

"Bakit? Busy?"

"Hindi naman. Ayaw lang ng pinsan ko." Umiwas ako ng tingin nang bumaling siya.

Walang nangyaring exchange of gifts sa Alaska. Ayaw daw ni Maeve, e'. Sabi ni Lola. Albeit if she asks us if is it okay with us, still we have no power to say no. Si Maeve na 'yong nag request no'n, e'. Pero ayos lang naman sa'min ni Ate 'yung ganoon. Ang importante nakasama namin sila no'ng Paskong iyon.

"Salamat sa paghatid." Bumaba na ako sa kotse niya.

'Yong Ranger ang dala niya. May kalakihan ang mga gulong nun kaya medyo mataas para bumaba. Hindi ko na siya nilingon pa at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. May helper kasing kakapasok lang saktong pagdating namin. Kaya sumabay na lang din ako sa kanya sa pagpasok.

"Gabi na po, a'?" Sabi ko sa kanya.

"Ah, opo. Itinapon ko lang po 'yong basura natin. Bukas kasi 'yung schedule ng garbage truck sa atin." Pagpapaliwanag niya.

Maraming text ang phone ko at ilang missed calls nang pulutin ko ito mula sa ibabaw ng bedside table ko. Maraming texts doon si Klaus. Naiwan ko kasi 'tong phone ko kanina, no'ng umalis ako para pumunta sa kanila Fe.

Shawn Nicklaus Dl'Grialbe:

Are you galit?

Sorry if you are.

Nagkapuyatan kasi kagabi kaya
kakagising ko lang ngayon.

You're not answering my calls, love.

Siguro nga... you're galit?

But even if you are, reply naman, o.

Kumain ka na ba?

Love?

I texted your sister and ask where were
you. She said your in your best friend's house.

Nakakaabala ba ako?

Sorry.

Usap tayo mamaya.

CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Where stories live. Discover now