18

42 3 0
                                    

DENIED

"Klaus," I break the silence between us.

Buwan nang Pebrero ngayon. Binisita niya ako sa bahay dahil Sabado at walang pasok. Si Ate naman may lakad kaya maliban sa mga kasambahay, kaming dalawa lang ang nasa salas. Kanina pa kaming dalawa na tahimik dito. Tanging ingay lang ng TV ang bumabasag sa katahimikan.

"Hmm?" His brow shot up.

"Naisip ko lang na..." I trailed off. "Hindi ba parang ang bata pa natin... para pumasok sa gan'tong... bagay?"

"Ang alin?" Baling niya sa akin.

"Itong pagpasok natin sa isang r-relasyon." My throat dried.

His lips parted. Binalot ulit kami ng katahimikan. Nagsisi tuloy ako kung bakit 'yon pa ang tinanong ko. Napayuko ako at tinikom ang bibig para pigilan ang sariling magsalita.

"Are you breaking up with me?" Bigla siyang nagsalita kaya napaangat ako ng tingin at agad na umiling.

"Hindi," I swallowed hard as I think of how should I explain my side. "Paano kung hindi pala tayo sa huli? Paano kung puppy love lang 'to? Paano kung... magkakahiwalay din tayo-"

"You shouldn't think about those." He caressed my cheeks. "You make me the happiest since the day we met and until now. I hope I also am to you."

A phone suddenly rang. Sinulyapan ko ang center table kung saan nakapatong ang phone ko. Hindi 'yon akin dahil hindi naman umilaw ang screen ko. Ibinalik ko ang tingin ko kay Klaus at nakitang nasa tainga niya na ang phone niya may kinakausap.

"Ngayon pala 'yon? Oo... 'Yon na nga, e... Nakalimutan ko kasi... Sige, ibaba mo na... Tuloy tayo."

Kaya sa huli, naiwan ulit akong mag-isa sa bahay. Umalis si Klaus para sa vlog niya. Humingi pa siya ng pasensya dahil nakalimutan niyang ngayon pala 'yon. Ayos lang naman sa'kin at naiintindihan ko naman 'yon.

Pero... paano nga kung hindi talaga kami ang para sa isa't-isa? Mapipilit ba namin ang tadhana?

"Oh? Anong sabi?" Si Fe nang makabalik ako sa kuwarto niya.

"Uh... hindi raw ako masusundo." I chuckled so she won't think it's a big deal for me.

Kakagaling ko lang sa school at binisita siya sa bahay nila. Magdadalawang araw na kasi siyang hindi pumapasok, wala man lang pinaalam sa akin kung kamusta na siya. May lagnat pala siya dahil nabasa ng ulan noong Lunes at hindi agad uminom ng gamot. Sinisipon lang naman daw siya pero hindi niya raw kaya pumasok.

Umupo ako sa couch ng kuwarto niya at tinitigan ang screen ng phone ko. Ngayong araw kasi 'yung sinabi ni Klaus na babawi siya. Kaso may tune-up game sila ngayon at may family dinner sila sa bahay nila pagkatapos.

"Masaya ka pa ba diyan sa relasyon niyo?" At dahil may dinaramdam, mahina ang boses ni Fe nang itanong 'yon sa akin.

"Oo naman," agad kong sagot. "Medyo nawawalan lang talaga kami ng oras sa isa't-isa." Tipid akong ngumiti.

"Uuwi ka na?"

Tumango ako. "Mga five minutes after,"

"Pakihinaan mo nga 'yong aircon, Se. Giniginaw ako." Hinila niya ang comforter niya pataas hanggang balikat niya.

Tumayo ako at kinuha ang remote ng aircon niya sa ibabaw ng bedside table. Idinampi ko ang likuran ng kamay ko sa noo niya. Agad ko 'yong nabawi nang maramdamang mainit siya. Sira talaga 'to! Akala ko ba sipon lang?!

CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Where stories live. Discover now