50

114 2 1
                                    

VACATION


"Congratulations, Dr. Montalvo! Your wife is eight weeks and two days pregnant."


I tried so hard not to shed a tear but I can't help. We'll have a new member of the family now! I just simply moved my face sideways for them not to see that I was tearing up too.


Iba pala 'yong pakiramdam kapag pamilya mo 'yong bata na inu-ultrasound mo. Naiiyak ka rin sa tuwa gaya ng mga magulang. Kasama ni Ate 'yong asawa niya na rito rin nagtatrabaho bilang doctor sa VMH. Pumuslit pa talaga siya ng oras para lang masamahan si Ate na magpa-ultrasound.


Hinarap ko sa kanilang mag-asawa ang screen para mas makita nila ang lagay ng anak nila. Iginalaw ko ang probe para makita ang baby sa loob ng tiyan ni Ate.


"This is the heart of your baby." I pointed the baby's heart on the screen.


"It's beating," her husband said almost like a whisper.


"We'll zoom up and we'll do a "heart tracing", it's what we call it. We'll get the beats per minute," sabi ko sa kanila. "The heart beating is 149, and that's normal."


"Thank God!" her husband said in relief.


I get the rest measurement. I can't help but get excited about the next ultrasound. Parang blueberry pa lang kasi ang laki niya dahil eight weeks pa lang. Hindi pa namin makita ang ibang parte ng katawan niya.


"Take good care of your wife, Dr. Montalvo," I said to him albeit if there's no need because he's too responsible.


"I will, Dr. Vuilltraen. Thank you," he responded.


Akala ko aalis na sila pero nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Ate. Malamig at nanginginig ang mga kamay niya nang hawakan ko ang mga kamay niya. Naiiyak ko rin siyang niyakap pabalik habang hinahaplos ang likod niya.


"I'm gonna be a mother now, Se!" Her voice trembled in happiness.


"That's why you should take extra good care of your health, okay?" I said wiping my tears.


Pag-alis nina Ate, inayos ko muna ang mukha ko bago nagpapasok ng susunod na kliyente. Baka kasi magtaka sila kung bakit ako umiyak. Naghilamos lang ako at itinali ang buhok ko. Pagkatapos no'n nagpapasok na 'ko ng kung sino ang susunod.


I stretched my arms upward after my last client left. Tapos na 'yong duty ko. Chineck ko ang oras at nakitang masyado pang maaga para umuwi ng bahay. Dito na lang muna siguro ako, maghahanap ako ng maibibili ko para sa magiging pamangkin ko sa online.


Naisip kong damit 'yong bilhin nang maalala kong hindi pa nga pala namin alam kung baby boy or girl ba ang magiging pamangkin ko. Kaya naisip kong feeding bottles na lang. May mga mura naman akong nakita pero feel ko kasi mas maganda 'yong may kamahalan at mukhang matibay din kaya 'yon na lang ang chineck-out ko.


I yawned after I placed my order. I took my white coat off and place it in my swivel chair. I walked towards the mini living room of my clinic. I lie down on the couch until I didn't notice that I already fell asleep.


I just got awake when I suddenly felt urinating. Bumangon agad ako, pero natigilan din nang mapansing naging dim ang ilaw. Napalingon ako sa desk ko. 'Yong lamp na lang na nasa ibabaw ng desk ko ang naka-on. 'Yong ibang ilaw, nakapatay na.


Napatayo agad ako. Pinasok ba 'ko rito ng magnanakaw?! Hindi ko mapigilang matakot sa sariling naisip. Posible kasi 'yon!


Inuna ko na lang muna ang pagpasok sa CR dahil ihing-ihi na 'ko. Lumabas din ako pagkatapos at nag-sanitize ng kamay dahil tapos ko na 'ko na hinugasan ang kamay ko sa loob. Kinapa agad ang switch ng mga ilaw. Halos mapatalon pa 'ko sa gulat nang may makitang lalaki na nakayuko sa may armrest ng couch na tinutulugan ko. Napabuntong-hininga na lang ako nang matanto kung sino 'yon.


CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Where stories live. Discover now