39

41 3 0
                                    

FAVOR

"Travis?"

Pagkatapos ng nakakabinging katahimikan, nagsalita si Papa. Bakas sa boses niya na hindi siya makapaniwala. Napaawang ang labi niya habang nakatingin sa amin, ngunit itinikom din 'yon tila ba may gusto sanang sabihin ngunit hindi niya itinuloy. Kinabahan tuloy ako.

"Umupo na kayong dalawa." Ani Papa.

Naramdaman ko ang panginginig at lamig ng kamay ni Viscount kaya hinigpitan ko ang hawak no'n. Kahit na nasa bahay kami ngayon, walang pinagbago ang trato niya sa akin. Nang tuluyan na kaming makalapit sa mesa, humila siya ng upuan para sa akin at pinaupo ako roon bago siya umupo.

Napatingin ako kay Papa nang marinig ang tikhim niya. Bumungisngis naman si Ate habang tinatakpan ang bibig. Nagsimula na kaming kumain at wala ni isa sa amin ang nagsalita. Palagi ko tuloy sinusulyapan si Viscount para tignan kung ayos lang ba siya.

Papa cleared his throat. "Since when did the two of you started dating?"

Napalunok ako. "I... I think in the middle of August, Papa."

Papa nodded. "I'm sorry about my reaction earlier. I was just really surprised to see Travis. I didn't expect he's the one you're talking about that you wanted to introduce to me." He chuckled.

Narinig ko agad ang paghinga ni Viscount sa tabi ko na tila nabunutan ng tinik. Nakangiti ko naman siyang sinulyapan. Pagkatapos no'n, naging magaan na ang usapan. Si Ate naman, palaging bumubungisngis sa tuwing nauutal si Viscount sa pagsagot.

"Tama ba ang narining kong mag-eengineer ka, Travis?" Tanong ni Papa sa kanya.

"Y-yes, Sir," nauutal niya na namang sagot dahilan para tumawa ulit si Ate.

Papa narrowed his eyes at Viscount with a ghost of a smile on his lips. "That's great! Then can I count on you in the future? I want you to be the one to head the construction of the extension of the VMH. I already planned it this month to be constructed, but I think I should just move it to the time when you can handle it. Am I right?" Papa chuckled.

"But... But, Sir-"

Papa cuts him off. "Hindi ko alam na wala ka palang kumpyansa sa sarili mo." He sighed. "I didn't know that's the kind of man my daughter wanted." He glances at me with a playful smile.

"Papa, hindi mo lang alam, guwapong-guwapo 'yan sa sarili niya." Si Ate na tinapunan pa ng masamang tingin si Viscount, mukhang batang nagsusumbong kay Papa kung paano siya inaway ni Viscount.

"Ho? Hindi po totoo 'yan, Sir." Agad na sabi ni Viscount, pulang-pula ang magkabilang tainga.

Tumawa lang si Papa. Roon pa lang sumali sa usapan ang mga kasambahay kaya napahaba pa ang usapan namin. Nang matapos na kaming kumain, nagdesisyon si Papa na huwag na lang umuwi si Viscount dahil gabing-gabi na. Kaya lumabas muna si Viscount para ipasok ang sasakyan niya habang ako naman ay dumiretso na sa kuwarto ko para palitan ang damit ko ng pantulog.

Pagkahiga ko sa kama ko, dinalaw agad ako ng antok. Siguro dahil hatinggabi na nga at hindi ako sanay na matagal matulog. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. Ngunit agad ko naman 'tong binuksan nang marinig ang pagtunog ng phone ko dahil sa magkasunod na text.

Viscount:

Matulog ka na.

I love you.

Kinabukasan nang magising ako, wala na si Viscount. Maaga raw'ng umalis dahil may pasok pa siya sabi ng mga kasambahay. Bumalik na lang ako sa kuwarto ko at naligo. Tinanghali na rin pala ako ng gising kaya hindi ko talaga naabutan si Viscount.

CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon