28

40 4 0
                                    

IN LOVE

"Galit ka ba sa'kin?"


Still shock by what he just said earlier, I shook my head as an answer. My gaze is on the bemuda grass of their backyard now, too scared to rose it against his. I swallowed hard as I slowly rose my gaze on his. My lips parted as I chase my breath. Despite the absence of the light in the part of their backyard where we are currently on, I saw his eyes looking at me intently.


"Ihahatid kita sa table nina Fe."


"Hindi na kailangan pa." Hahanapin ko na lang si Fe kapag hindi pa rin siya mag-reply.


"Mauuna akong maglakad. Sumunod ka lang sa'kin. Ikaw na ang bahala kung gaano kalayo ang distansya na gagawin mo." He said, sans breaking the eye contact we had. "I know you're embarrassed to be seen close to me." Napaawang ang labi ko nang makita ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.


My phone suddenly rang. That's the time we lost the eye contact we had because his eyes drifted on the screen of my phone. Yumuko ako para tignan din kung sino ang tumatawag. Si Fe pala. Bago ko 'yon sinagot, tumingin muna ako sa kanya para magpaalam na sasagutin ko 'yon- but wait... what?! Bakit ako magpapaalam?! Agad akong umiwas nang tingin sa kanya at tumalikod bago sinagot ang tawag ni Fe.


"Seah, nasa'n ka? Sorry. Ngayon ko lang kasi napansin 'yong text mo." She said once I answer the call.


"Ayos lang. Uh..." napalunok ako. "...nasa backyard ako... sa may madilim na part."


"Hala, ba't nand'yan ka?!" She startled. "Sige ibababa ko na. Hintayin mo 'ko r'yan, ha?" Her line went dead.


"Oh, nandito ka pa?" Gulat kong tanong nang wala sa isip akong napalingon sa likuran ko.


"I'll stay there," he pointed the darker part of their backyard just a few steps away from where I am standing. "Until Fe gets you here."


Umiwas ako nang tingin nang sa ikalawang pagkataon ay nakita ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Nahihirapan akong lumunok habang nakayuko. Unti-unti kong narinig ang mga hakbang niya papalayo sa akin. Kasunod no'n ay ang pagdating ni Fe.


She gave me a quick hug. "Ang ganda-ganda mo!" Sabay pasada niya nang tingin sa suot ko.


"You're prettier."


Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papalayo roon. Hindi ko mapigilang lumingon sa parte kung saan siya nakatago. Pero dahil madilim, hindi ko siya matanaw. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap.


Dinala ako ni Fe sa table nila ng mga pinsan niya. Malaki 'yong table nila since magkahalo na ang mga pinsan niya sa side ng Mommy at Daddy niya.


Napaisip tuloy ako. Bakit hindi kami ganito ka-close ni Maeve? Siguro nga dahil hindi kami sabay lumaki. Iba ang pagkakakilala niya sa amin ni Ate. Pero rito naman daw siya mag-aaral ng college kaya siguro... at sana... sa pamamagitan niyan ay maging malapit na siya sa amin.


"Sama tayo sa after party!" Sabi ni Bea.


"Oo nga sama tayo!" Sabi naman ni Daryl na tingin ko'y pinakamatanda sa kanilang magpipinsan sa side ng Mommy ni Fe.


"Ako hindi ako sasama." Sabi ni Bullet na seryuso lang ang mukha palagi. Lumitaw pa ang dimple niya nang sinabi iyon, kaya kahit sa simpleng pagsabi niya no'n ay attractive na attractive siyang tignan. Nahuli ko pang nakatingin sa kanya si Diane kaya lihim akong napangiti. Tingin ko rin ay ka-edad niya lang si Ate. Sobrang tangkad niya, e'.


CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora