25

55 5 0
                                    

BACK


Unfamiliar word to encounter:

Namdongsaeng- a Korean word that means younger brother.


Unknown:

Hi, Seah!

Good morning!

Congratulations!


Napakunot ang noo ko sa nabasa. Ano 'to? Sino 'to? Paano niya nalaman ang number ko? Nahihirapan kong nilunok ang bukol sa lalamunan ko kasabay nito ay ang pag-ihip ng kaba sa dibdib ko at tuwa.


Siya ba 'to?


Good morning. Thank you!


Kakagising ko lang ngayon at ito agad ang bumungad sa akin na text. Binasa ko ang number nang paulit-ulit,  baka may maalala ako. Pero ilang ulit ko nang binasa ay wala akong maisip. Halos mapatalon ako nang mag-reply ito.


Are you free today?


Hindi ko pa man natapos basahin ay may kasunod na itong tatlo pang text.


Can we meet?

Can we meet today?

I have something to tell you.


Napaawang ang labi ko at tinitigan lang ang mga mensahe niya. Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko. A smile slowly curved on my lips.


He's... back?


I'm wearing my brown heather color floral smocked lettuce-edge crop top with my high waisted faded jeans with a black designer belt. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok habang kabadong naghihintay sa kanya na dumating sa napag-usapan naming restaurant.


Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Masyado ba akong maaga? Napatingin ako sa oras ng phone ko. May five minutes pang natitira bago mag twelve ng tanghali. Halos mapatalon ako nang mag-vibrate ang phone ko dahil sa text.


Yllenea Grace Vuilltraen:

How does it go?

Should I go and accompany you there?

Kreanaseah, reply to me!

Are you okay?

What did he tell you?


Katulad ko ay wala ring ibang hinala si Ate sa nag text sa akin. Pinaalam ko kasi sa kanya dahil ayaw kong i-sekreto. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagtipa na ng reply.

CRIPPLED: JULLIANNA (VUILLTRAEN SISTERS SERIES #1)Where stories live. Discover now