Chapter 06: Unlikely Confession

142 16 7
                                    

UNLIKELY CONFESSION

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

UNLIKELY CONFESSION

"Just please don't say you love me,
Cause I might not say it back,
Doesn't mean my heart stops skipping
When you look at me like that"
-Please Don't Say You Love Me,
Gabrielle Aplin

•••

IYONG AKALA MO, IYON NA. Parang nag-iisang jeep na punong pasaheros sa kalsada na pinara mo pero may umuna sa 'yo. Iyong akala mo, paparating na. Parang limang segundong ambon sa tag-araw. Ganoon 'yung pakiramdam. Rick-rolled. Ganoon 'yung naramdaman ko noong makita ko sina Cruzette at James na magkasama.

Hindi ako makapaniwala sa sarili ko. Naetsapwera na naman. Ilang beses na ba? Kung iisa-isahin, siguro tatlo o mahigit pa. Una, birthday ni Cruzette. Magpapasikat na sana ako dala 'yung tula ko pero dumating si James at kinantahan siya. Pangalawa, binilhan siya ng juice para makasama siya pero pagbalik ko, kasama na n'ya si James. Pangatlo, binigyan siya ng panyo para pampunas ng luha n'ya kakaiyak kay James, pero kinalaunan nalaman ko pinapasaya na ulit siya ni James. Lahat na yata ng pwede kong gawin low-key, nagawa ko na. Minsan iniisip ko na pinaglalaruan na 'ko ng tadhana. Nakakainis. Pero kung totoo man ang hinala ko, congrats dahil nagmumukha na 'kong tanga.

Ayaw ko na nga lang isipin kung ano ang gagawin nilang dalawa. After all, wala naman na ako sa posisyon para mangialam sa business nila. Iyon ang hinihimutok ng butchi ko - wala ako sa posisyon.

Isang buntonghininga ang kusang kumawala sa baga ko bago ibagsak ang sariling katawan sa kama. Mamamasa-masa pa ang buhok ko dahil sa panandaliang pagligo kaya idinantay ko ito sa tuwalyang sumasapin sa likod ko. Medyo ramdam ko pa ang pag-ikot ng mundo dahil sa pag-inom namin ng beer sa 7-Eleven noong bandang hapon kaya hindi muna ako nagkikilos. Tahimik lang akong tumingin sa kisame. Blangko. Walang makita ang malalabo kong mata kundi lapad na concrete. Taimtim din ang paligid. Gabi na kasi. Madilim. Walang maririnig kundi pag-ikot ng electric fan, mga nagpa-party na kuliglig sa bakuran at pagra-rap battle ng mga aso sa kapit-bahay.

Kung hindi pa magri-ring ang phone ko, hindi ko iisiping kumilos. Parang 'sing bilis ng kidlat na kinuha ko ang phone kong nakatago sa ilalim ng unan. Nang makita ang laman nito, may video call na ganap sa Bros Before Hoes GC naming apat. Hindi ako nagdalawang-isip na sumali sa call kahit papikit-pikit ang mata ko dahil sa liwanag ng screen sa harapan ng mukha.

Binungaran kaagad ako ni Pao ng pagbibiro. "Good morning, Xei!"

Isang ngiti lang ang ibinigay ko bilang sagot.

"Mukhang may hangover ka pa, babe," boses ni Pan. Malaki ang ngiti nito habang tapat na tapat sa mukha ang front camera. "Wait, parang mukha kang malungkot ngayon?"

"Nagtanong ka pa!" singit ni Kuya Benny atsaka tumawa. "Pero kung may ibang rason ka naman para malungkot, pwede mo naman sabihin sa 'min."

"'Wag nga kayo! Okay lang ako. Hindi pa kayo nasanay sa 'kin," sambit ko sa mahinahong boses. "Sige! Goodnight na po, inaantok na 'ko." Hindi na 'ko nagpaguli pa at mabilis pa sa pagkurap na ibinaba ang tawag.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now