Chapter 32: Love, Mayonnaise

44 9 0
                                    



CHAPTER 32
LOVE, MAYONNAISE

We arrived exactly at six o'clock. Kasama ko sina Kuya Benny at Pao. Ang cute nga ng outfit nila. Naka-maroon coat si Kuya Benny na pinailaliman ng white polo. Si Pao naman ay nakaitim na tuxedo at tinalo ang gentleman look ni James Bond, may hawak pa siyang itim na polaroid camera na panira sa looks niya. Pero regardless, hindi ko mapigilang hindi sila ma-appreciate sa sobrang gwapo nila. Kulang na lang talaga ay jowa. Minsan binibiro ko na baka sila pala talaga ang para sa isa’t isa. Ang sagot lang nila, hindi sila sisira ng bro code. Binalik lang nila ’yung pang-iinis sa kung paano nila inusisa ’yung bagay na ginawa namin ni Pan.

Speaking of Pan, ayon hindi nagcha-chat. Last time na usap namin kaninang tanghali pa, huli ’yung picture niyang kasama ’yung kumpletong We Bare Bears na kung hindi pa niya sabihin na galing sa ’kin, hindi ko malalaman. Ang alam ko kasi si Panpan lang ang binigay ko sa kaniya, tapos ’yung other two ay kina Kuya Benny at Pao. Sabi niya binigay daw nila sa kaniya. Alam daw kasi nila na para kay Pan talaga ’yon. Hindi na lang ako sumabat dahil noong binili ko ’yon, si Pan lang naman talaga nasa isip ko. No offense na lang sa kanilang dalawa.

Mukhang busy si Pan kaya hindi ko na siya inabala. Hindi ko rin siya masisisi dahil hassle naman talaga ’yung ginagawa niya. Probably nagpe-prepare na sila ng mga pinsan niya para sa performance nila. Ang sabi ko lang sa chat, “Goodluck! Can't wait to see you.” Siyempre may heart emoji para dama.

Nakaayos na ang lahat sa activity center. Sa labas nito makikita ’yung log sheet kung saan namin isusulat ’yung pangalan namin bago pumasok. Pinakita namin ’yung invitation namin bago pumasok. Sa entrance nito ay may makikitang parang lagusan na may vines at fairy lights. Pagkapasok ay mayroon pang dalawang lane sa magkabilang sides na hindi ko alam kung ano ang purpose. Pinili naming dumiretso sa kanan dahil ayaw namin pareho-parehong kumaliwa. Pagkalabas namin sa mismong lagusan ay tumambad sa ’min ang mga lamesang pinatungan ng white tablecloth, habang ang iba naman ay itim. Kasama nito sa likod ng venue ’yung mga makukulay na bulaklak na hindi ko alam kung ano tawag. Sa part din na ito makikita ’yung may magandang backdrop at royal chair for pictorial yata. May mga tao kasing inaayos ’yung brick walls kuno tapos doon din naka-set up ’yung parang payong na white for lighting purposes. Sa may harapan naman ay may space for dancing. Makikita rin dito ’yung stage na may naka-set up nang drums at speaker. May mga tao na ring nandoon at nag-aayos, sadyang hindi ko lang maaninaw kung sino sila dahil sa distance.

Sabi ni Cruzette nakapwesto na siya kasama si Crisp kaya naglakad-lakad kami. Nag-save siya ng seat malapit sa kanila para sa amin. Hindi pa man din kami nakakalayo ay narinig na namin ang pagtawag sa ’min ni Crisp. Nang lumingon kami ay nakaupo sila at kumakaway, inaaya na lumapit sa kanila.

“Kumain na kayo?” Iyon ’yung bungad na tanong ni Crisp paglapit namin. Sumagot naman sina Kuya Benny kaya tumayo kaagad sila para dumiretso sa catering. Naiwan tuloy kami ni Z.

Hindi pa man din ako nakakabati ay nagsalita siya. “Cute mo! Bagay sa ’yo ’yung outfit mo.” Habang nakangiti. Hindi ko tuloy mapigilang mahiya. Gusto ko sanang sabihin na si Pan ang namili nito para sa ’kin pero baka kung ano naman ang sabihin niya. Inisin lang ako lalo.

“Mas cute ka!” bati ko. Ang ganda kasi niya sa suot niyang white dress. Nakadagdag pa ’yung hairstyle niyang itinali sa likod ’yung buhok niyang nasa magkabilang side ng mukha niya. Hindi ko alam kung anong tawag d’on pero ito rin ’yung ipinakita niya sa ’king buhok daw ng Kpop artist na sinabi niya. Irene yata ’yung pangalan ng babae.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now