Chapter 11: Leftover Feelings

107 17 5
                                    

CHAPTER 11
LEFTOVER FEELINGS

HANGGANG NGAYON HINDI KO PA RIN ALAM kung sino man ang nagkalat ng maling balita na kami na ni Cruzette. It just caused chaos. Nasira 'yung salamin ko. Biglang nawala ang good boy image ko sa lahat. Ako na nga 'yung sinuntok, makakasama pa 'ko sa magdedelikado sa school. Kinabukasan ng araw na maganap ang gulo na 'yon, fresh pa rin ang nangyari pati na ang chismis. I got this uneasy feeling which causes me to feel anxious. Pakiramdaman ko pinag-uusapan ako ng mga tao sa paligid. Kahit pagtingin nang diretso sa kanila, hindi ko magawa dahil sa labis na pagkailang.

One time habang hindi pa nagsisimula ang klase, lumapit si Cruzette sa 'kin and called my name. "Pwede ba tayong mag-usap?" she asked me. She has this apologetic look while facing me.

Imbis na diretsong magsalita, taimtim na tango lang ang binigay ko. Nakita ko kung paano siya tumuro sa labas ng classroom. Tinanggap ko ang senyas at lumabas kasama niya. Sa pagkakataon na 'yon, ramdam ko kung paano tumingin sa 'min ang mga kaklase namin, pero imbis na pansinin ang mga ito'y nagsawalang-bahala na lang ako.

Sumunod ako sa kaniya sa likod ng room namin sa may tapat ng CR. She stopped there. Sandali pa akong natulala nang bigla siyang yumuko-yuko sa harap ko.

"I'm very sorry!" aniya.

"Hindi mo naman kasalanan, it's just a matter of misunderstanding," sabi ko.

"It's my friends and Kuya Crisp."

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Nakwento ko kina Reene at Cess 'yung nangyari the last time during birthday. Si Kuya Crisp naman, masyadong malisosyo. They got the wrong idea . . . I'm sorry."

Despite the fear of interacting with other people because of that ruckus, I let everything slipped from my hands. "Okay lang. Nangyari naman na," tanging nasabi ko na lang. "Siguro ang gawin na lang natin, tapusin 'yung chismis. And your relationship with James . . . hindi ko alam kung ano nangyari pero pwedeng ikaw na magpaliwanag sa kaniya?" I told her.

Tahimik siyang tumango.

"Ano . . . I've seen his lack of effort on changing himself for the better."

Kusang kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya sa harapan ko. But I listened.

"We always argue . . . and things I'm not able to share with you, but I'm glad I listened to you. Na-realize ko na . . . kaya nakipag-break ako sa kaniya."

Mukhang tama nga ang hinala ko. Hindi naman kasi susugod nang ganoon si James nang walang dahilan. Hindi ko alam kung ano pa ang mangyayari kapag hindi natapos 'to.

"Pero ano . . ." I looked at her. "Refrain from thinking na lang na ikaw 'yung reason ng break up namin, it's just things didn't go well for the both of us." Nakita ko kung paano siya yumuko habang pinaglalaruan ang panyong hawak niya.

"But even things didn't go well for the both of you, soon I know some thing will go well for you." Kusa akong napatingin sa mukha niya nang iangat niya ang ulo niya. I saw how she looked sad even more. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya inangat ko na lang ang braso ko at tinapik-tapik ang balikat niya.

I just looked how she formed a faint smile.


I started to think why Pan became cold. Minsan salita ako nang salita sa tabi, makikita ko na lang siyang nakatulala sa kawalan at hindi nagsasalita. Madalas kapag kinakausap ko siya, bigla na lang siyang lilingon palayo. Para akong nakikipag-usap sa hangin. Ang hirap niyang lapitan. Magkatabi lang kami ng seat sa room pero parang hindi niya nararamdaman ang presensya ko.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now