Chapter 27: Strawberry Shortcake

71 11 3
                                    

CHAPTER 27
STRAWBERRY SHORTCAKE

Hindi ko na alam ang dapat gawin. Minsan gusto ko na lang magpatuloy sa buhay nang hindi iniintindi ang ibang bagay. Siguro, mas madali. Sigurado, hindi ako mahihirapan nang ganito. Sobrang daming bagay na gumugulo sa isip ko. Si Pan, academics, ang concern ko kay Cruzette. Ngayon nadagdagan pa ng isa: umuwi si Papa kagabi, problemado.

Kung hindi ko pa usisain kay Mama kung ano'ng nangyari, hindi ko pa malalaman na nanakaw pala ang laman ng safe box sa hardware shop namin. Nang makita sa CCTV kung sino salarin, bagong empleyado ni Papa. Halos fifty thousand pesos din ang nakuha, tubo ng business. Kaya ngayon apektado ang budget namin. Magdamag ko inisip kung ano'ng maitutulong ko para makabawas sa gastusin, ending hindi rin ako nakatulog nang maayos kahit maaga kong natapos ang presentation namin sa research proposal.

Kaya pagdilat pa lang ng mga mata sa umaga, tinuon ko na ang atensyon sa pinakahihintay naming pasanin — D-Day ng proposal. Itinatak ko sa isip ko na ito muna ang aasikasuhin ko since malaking hatak din ito sa grades. Dagdag ang kaba lalo na’t sinabi sa amin ni Sir Dela Cruz beforehand na kasama niyang magiging panelist ang head ng SHS department ng school namin, si Ma'am Marasigan. Nakwento kasi dito ni Sir ang topics ng mga hina-handle niya na sections na nakapukaw ng interest nito. Alam yata ng buong school kung gaano ito ka-terror kaya miski ako hindi alam kung saan ilulugar ang takot.

“Huwag papaapekto sa negativity.” Iyon ang itinatak ko sa isip ko bago humugot ng isang malalim na hinga. Hawak-hawak ang dalawang copies ng aming research paper, lakas loob akong pumasok sa loob ng classroom. Early nine o'clock in the morning ang oras ng presentation kaya maaga pa lang ay kinumusta ko na ang groupmates ko.

“Kumusta? Naaral niyo naman na siguro nang buo ’yung paper since ilang beses ko ’yon s-in-end sa inyo,” pagbati ko sa kanila. Tiningnan lang ako ng mga ito.

Inayos ko ang pagkakaupo atsaka hinarap sa kanila ang powerpoint presentation sa screen ng laptop ko. “Pati ito s-in-end ko rin bandang eight o'clock ng gabi, hindi lang para malaman niyo ’yung parts niyo, para na rin ma-review niyo ’yung buong presentation,” dagdag ko pa.

Isa-isa ko pa silang inutusang ipaliwanag ’yung parts na hindi sa kanila, pero just like the usual, napakamot na naman ako sa sariling batok. Kung hindi pa ako hihinga nang malalim para kumalma, baka nahambalos ko na ’tong laptop ko sa mga mukha nila. Inisip ko na lang na wala pa kaming pampalit. Kaya kahit parang bulkang sasabog na sa inis, pinilit ko pa ring ipaliwanag sa mga ito nang dahan-dahan ang buong paper namin. Ayaw ko rin namang masabihang diktador.

Habang busy sa kalagitnaan ng pagbi-briefing sa co-members ko, bigla-bigla na lang sumulpot si Kuya Benny out of nowhere. Nakailang beses pa akong pasada ng tingin sa mukha nito at sa hawak nitong plastic bag na may tatak ng 7-Eleven, non-verbally tinatanong kung ano'ng gagawin ko.

“Sa ’yo ’yan.” At walang ano-ano’y ipinatong nito ang hawak na plastic sa ibabaw ng desk ko.

“Saan galing?”

Nang tingnan ko kung ano'ng laman, isang Piattos barbecue, strawberry shortcake at isang bote ng Vitamilk at Pocari Sweat. Pagkaharap ko kay Kuya Benny, tumuturo siya sa bandang likod, sa pwesto ng group ni Cruzette.

Anito, “Tanong mo doon sa torpe na ’yon.”

Kusang lumapat ang tingin ko kay Pan, kasalukuyang seryosong nakikinig sa mga sinasabi ng leader nito. May hawak pa itong notepad at tila nagbu-bullet ng mga ideas na pwede idagdag sa sasabihin for better explanation.

“O siya, tuloy niyo lang ’yan. Mukhang busy kayo.”

Isang ngiti ang ibinigay sa amin ni Kuya Benny bago ito tumalikod. Pero hindi pa man din ito tuluyang nakalalayo ay pinigilan ko na siya. Kinuha ko sa loob ng plastic ang Piattos at Pocari Sweat atsaka iniwan ang natitira sa loob. Tinali ko pa ito bago iabot sa kaniya.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon