Chapter 30: CET Reviews and Sorry Notes

94 9 1
                                    

CHAPTER 30
CET REVIEWS AND SORRY NOTES

Walang bago. Ganoon pa rin ang treatment ni Pan sa akin. Hindi ako pinapansin. Hindi naman sa hindi kami nag-uusap, nag-iiwasan lang talaga. Simula noong magpasukan, ganoon na ang sistema namin. Miski sa upuan niya, nakipagpalit siya kay Kuya Benny para lang hindi niya ako makatabi.

Kapag iisipin ko ’yung mga sitwasyong iyon, pakiramdam ko sinusuka niya ako. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil miski ako, gan’on sa sarili ko. Pero nag-promise ako kay Cruzette. Ang sabi ko, kakausapin ko si Pan kahit pakiramdam ko nilalamon ako ng lupa sa tuwing kaharap ito. Sadyang hindi lang talaga ako mahanap ng tiyempo.

Speaking of . . . sa parehong pagkakataon habang kumakain ng burger at nakasandal malapit sa bintana ng classroom, lumapit si Cruzette. Kasalukuyan itong humihigop sa straw ng kaniyang buko shake.

“Kumusta?” bati nito sabay upo sa desk na malapit sa pwesto ko. Sa tono pa lang niya alam ko na kung ano ang sagot na gustong marinig ng tainga niya.

“Level zero pa rin.” Hindi ko tuloy napigilang matingin sa pwesto ni Pan. Kasalukuyan itong nakayuko sa desk ng sariling upuan habang mag-isang nakikinig sa earphones.

Base sa naging reaksyon ni Z, mas mukha pa siyang malungkot kaysa sa akin. Kaonti na lang mahahalata ko nang hard shipper namin ’to ni Pan.

“So hanggang kailan mo ba kasi balak? Naiinis na rin ako sa ’yo,” miski siya ay natawa. Pinagmasdan ko kung paano niya hawiin ang ilang strand ng buhok niya sa likod ng kaniyang tainga.

“Just give me some time. Promise talaga.” Ilang beses ko na rin yata itong nasabi sa kaniya. Gagawin ko naman talaga. Humahanap lang ako ng magandang pagkakataon. Para hindi sablay. Para masabi ko nang buo ang mga gusto kong sabihin.

Habang sinusulit ang natitirang minuto ng recess, napansin namin ang pagpasok ng dalawang representatives ng SSG sa classroom. Dumiretso kaagad ang mga ito sa harapan ng board at maawtoridad na pinukaw ang atensyon ng mga nasa classroom. Kaagad naman kaming umupo sa malapit na seat para marinig ang probably announcement ng mga ito.

“Good day to everyone,” panimula ng isa sa kanila. “Alam naman na natin na ang Pebrero ay buwan ng pag-ibig para sa atin — mapa-single man o committed. With this, nag-propose ang student council sa admin na magkaroon ng prom. And guess what . . .” She paused. Nagbulong-bulungan ang mga kaklase namin, trying to assume the verdict. Napatingin tuloy kami ni Cruzette sa isa’t isa. “Pumayag ang admin sa project.”

Kahit hindi excited ang introvert ass ko sa announcement, nakisabay na lang ako sa palakpakan ng mga kaklase ko. I've never been a fan of gathering, or even wish na ma-experience ang prom kahit na may belief na isa raw ito sa important part ng pagiging highschool student. Well technically, naranasan ko nang um-attend noon sa former school ko but that was three years ago. Hindi ko rin naman ginusto um-attend; para lang talaga iyon sa additional grades kuno na hindi naman talaga sakop sa grading system ng curriculum.

As per the continuation of the announcement, sinabi nila na either by the end of February daw or first week of March magaganap ang event. May proposed number of students na magpa-participate sa cotillion. Baka magkaroon din ng special act during the prom, basta maghintay lang daw for further announcement. After din niyon ay umalis kaagad ang SSG officers.

Naramdaman ko kaagad ang tingin ni Cruzette. “A-attend ka ba ng prom?” bungad nitong tanong.

“Depende. One percent out of one hundred ang probability,” diretso kong tugon. “Unless na lang kung ikaw magbabayad sa fees,” pagbibiro ko.

“Sure! Iyon lang pala.”

“Hoy! Joke lang!” pagpipigil ko. “Uupo lang naman ako d’on for sure. So gan’on din.” Grabe rin itong si Z. Masyadong seryoso. Nagjo-joke lang naman ’yung tao.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now