Chapter 07: The Bro Code

342 40 9
                                    

THE BRO CODE

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

THE BRO CODE

And anytime you feel the pain,
hey Jude, refrain,
Don't carry the world
upon your shoulders.
—Hey Jude,
The Beatles

•••

PARANG SOBRANG DAMI NANG NAGBAGO simula nang inamin ko ang nararamdaman ko kay Cruzette, pero ’yung mundo ko parang umiikot pa rin sa kaniya. Masakit pero wala akong nagawa kundi tiisin na lang. Mas double nga lang ang pagtitiis ngayon dahil sa nangyari sa pagitan namin. Ayaw kong isipin ’yon pero laging pumapasok sa isip ko. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko para saktan lang ako.

Kahit labag sa loob ko umiwas na rin ako sa kaniya. Sa tuwing magkakasalubong kami sa daan, kadalasan umiiwas ako ng tingin at umaaktong kunwari ay hindi ko siya napansin. Kapag recess dati mukha niya kaagad ang hinahanap ko, pero ngayon sinubukan kong ’wag siyang hagilapin. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa kabila ng dami ng tao sa canteen, siya pa rin ang nangingibabaw sa paningin ko.

Sobrang hirap umiwas dahil maliit lang ang mundong ginagalawan namin parehas. Kung tutuusin halos nasa loob lang kami ng apat na haligi, kaonting galaw lang maaari na kaming magkabungguan. Wala akong choice kaya mas pinipili ko na lang na hindi kumilos para hindi siya madikitan. The more na lumalapit kasi ako sa kaniya, parang mas lalo lang akong nabibiyak.

Pero nakakainis ang mundo. Kung kailan gusto kong umiwas sa kaniya, atsaka siya nito inilalapit sa ’kin. Noong lunch break, nag-abot ako ng pera kina Pao. Ang sabi ko ibili na lang nila ako ng kahit anong makakain pagkatapos nila at sa room na lang ako kakain para hindi ko na makita si Cruzette. Pero nang mapalingon ang ulo ko sa bintana, dumapo kaagad ang tingin ko sa kaniya, kasama ang kaibigan nitong sina Ced at Reene. At ang hindi ko pa ine-expect doon, papasok sila ng room at sa loob pa yata kakain nang sabay-sabay. Hindi pa man sila nakakapasok pero lumabas na ako para sundan ’yung tatlo.

Doon ko na-realize na ang sama ng mga araw ko. I tried my best to avoid her by thinking that she never existed even once in my life, but why it’s so difficult for me to believe in my own fabricated lies when I knew to myself that she existed, and is existing not just in my life, but in my heart and mind. Ganiyan ako ka-torete sa kaniya.

Mabuti na nga lang at parang nararamdaman kong umiiwas na rin siya kaya may mga times na hindi na ako nahihirapan. Wala na ring masama dahil parang ginagawa na rin niya ’yung sarili niyang part para maka-move on ako. Hindi ko lang alam kung napansin niya ba ’yung mga simpleng pag-iwas ko.

Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung ano ba ang nakain ko para lumakas ang loob ko nang gan’on. I mean, ano ba'ng pumasok sa utak ko para isiping magugustuhan niya rin ako? Hindi nga ako mapansin ng mga mata niya, feelings ko pa kaya? The idea of her, liking me, is probably a sheer stupidity. Siguro nga talagang tanga lang ako.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat