Chapter 17: Come On, Let's Try!

197 24 18
                                    

CHAPTER 17
COME ON, LET'S TRY!

•••


Sabi nila, matalino raw ako. Hindi na rin kataka-taka kung bakit ako tinatawag ng mga relatives namin na golden child nina mama at papa. Pero as what I am seeing right now is so different as to what I am seeing myself before. Confused. Naglalakbay ang utak. Looking stupid. Or maybe . . . in denial. Nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga sinabi ni Pan. Hindi ko alam kung talagang nagsisinungaling lang ba siya o ayaw ko lang na may gan’ong bagay siya toward sa ’kin. And it's making me feel stupid. Pero sinasabi na niya. Ipinapamukha na niya sa akin nang harapan. Hindi ko alam kung ano ang problema. Ako lang yata.

“Nice meeting you, Baks.” Ngumiti sa ’kin si Xia atsaka niyakap ako nang panandalian. Pagkabitiw, “Cute mo pala in person.” Tapos natawa siya habang tinatakpan ng kaniyang kamay ang sariling bibig. She's so quirky.

“Salamat sa pagdaan,” ani Pan. Isang tapik ang ibinigay sa kaniya ni Xia.

“No prob!” anito. Pagkatapos ay niyakap siya nito bago tuluyang magpaalam sa ’min. Pinagmasdan namin siyang lumabas ng gate ng bahay at salubungin ang sundo nitong pinsan niya yata.

Nang tuluyang makaalis si Xia, tahimik na ulit sa bahay nina Pan. Kami na lang ang tao. Alas singko na rin ng hapon. Bumabati na rin ang kadiliman sa labas. Sa isip-isip ko, baka hinahanap na ako nina Mama. Nakalimutan ko pa namang magpaalam. Didiretso sana ako sa sofa para kuhanin ang dala kong sling bag, bago ko pa man ito maabot ay napahinto kaagad ako nang magsalita si Pan.

“Huwag ka muna umuwi. Tinawag ko sina Pao. Tambay muna tayo.”

“Okay.” Iyon lang ang nasabi ko. Nandiyan naman sina Kuya Benny kaya okay lang. Kinuha ko na lang ang phone ko para i-chat si Mama na baka gabi na ako makauwi dahil na kina Pan ako. Ayos naman na sa kaniya iyon, basta alam niya kung nasaan ako.

“Nagugutom ka na?” tanong niya.

“Okay lang. Hindi naman masyado.”

“Kakain tayo. Ano gusto mong ulam?”

“Okay. Kahit ano lang okay na sa ’kin.”

Napakibit lang ito ng kaniyang balikat bago kuhanin ang phone. “Chat ko na lang sina Pao na magdala ng foods pang-dinner natin. Chicken star, okay na siguro ’yon sa ’ting apat.” Pagkatapos niyon hindi na siya nagsalita. Pinagmasdan ko lang siya habang nakapwesto siya sa upuang nasa harap ko, nasa tuhod ang mga siko, diretso ang tingin sa phone niya.

“Baka naman matunaw ako niyan,” pagbibiro nito habang nakatingin pa rin sa phone niya. “Hindi ako ice cream, pero pwede rin naman.” Tapos natawa siya sa sarili niya. Hindi ko na lang siya pinansin kahit parang na-awkward-an ako.

Habang naghihintay, “Saan nga pala Mama mo?” tanong ko.

“Ah, sila. Nandoon. Baka mamaya pa mauwi kasi bumisita kina Tita,” anito. Tapos biglang tumahimik. Sa gitna ng katuyutan, bigla siyang nagsalita. “May request pala ako.”

Natingin tuloy ako sa kaniya.

“Pwede ba next time Mama na rin tawag mo sa mama ko?” seryosong sabi niya.

Ano raw? Hindi ko mapigilang mapakunot ng kilay sa isa na namang banat niya. Malapit ko na talaga siyang banatan nang literal kapag umulit pa siya.

“Sabi kasi ng tita ko, mama na lang daw ang itawag mo sa ’kin. O sa kaniya.” Natawa na lang siya at hindi na napagpatuloy ang ginagayang funny video na napanuod namin kamakailan lamang. Hindi ko na rin tuloy mapigilang matawa dahil sa kabalastugan niya.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon