Chapter 20: Chubby Bunny Kisses

178 18 10
                                    

CHAPTER 20
CHUBBY BUNNY KISSES

It was a long night for us. Halos mag-a-alas onse rin ng gabi nang matapos kaming mag-get together. Kaonti lang ang ininom naming lahat, pero ramdam na ramdam ko 'yung hilo. Matagal na rin kasing hindi nakainom ng drinks na may alcohol content. Medyo nag-ingat na rin after that one incident from the past na matagal ko nang ibinaon sa hukay ng mga nilimutang kahapon.

"So ano, saan ka niyan ngayon? Sa 'min na lang. Baka makagalitan ka pa sa inyo, ma-bad shot lang ako sa Mama mo," sambit ni Pan casually.

Wala nang hold-back dahil mukhang may kaniyang buhay sina Pao at Kuya Benny, tawa pa rin nang tawa habang may pinag-uusapang sila lang yata ang nakakaalam.

"Matagal ka naman nang bad shot sa pamilya ko. Wala lang talaga silang paki sa 'kin as of the moment," natatawang tugon ko.

Nakangiti lang siya nang abutin niya ang tainga ko para piga-pigain ito the usual.

"Ako, may paki sa 'yo every moment."

Hindi ko rin alam kung ano magiging desisyon ko, pero usually naman talaga sa kanila ako nag-e-end up kapag mayroong ganap na inuman. Illegal things. Ayaw ko rin namang mapagalitan dahil sa mga mala-"suwail na anak" kong desisyon sa buhay kaya mas napipili kong takpan na lang ang mga 'yon. So far hindi pa naman ako umaabot sa puntong nakagawa ako ng krimen kaya ayos lang. Besides matagal-tagal na rin pala noong huli akong mag-overnight sa kanila. Kaya ending, napa-"sige" na lang ako.

Laki naman ng tuwa ng mokong.

Kaya pagkalabas namin sa D'Bar, dumiretso kami sa malapit na parking space para pumunta sa mini-van na ginamit nila papunta sa bar. Sabi nina Kuya Lucas, sabay na raw kaming lahat dahil dadaan naman 'yung sasakyan sa bayan, kung saan kami bababa if ever mag-jeep man kami. Kapag sasakay kasi kami papunta sa bayan, pagkababa, sasakay pa ulit kami e-trike, o tricycle or another jeep para makauwi sa kaniya-kaniya naming ruta. Ang kaso, pahirapan na makahanap ng masasakyan sa ganitong oras. More time at tipid pamasahe na rin.

Katulad sa bar, gan'on pa rin 'yung ingay ng lahat sa loob ng van. Tahimik lang ako the whole time at pilit na iniintindi 'yung kasalukuyang tumutugtog sa FM radio. Si Pan, ayon, nakapikit ang mga mata at nakasandal sa balikat ko habang kasama namin ang barkada sa back seat. After minutes of commuting, nauna nang magpaalam sina Pao at Kuya Benny. Kahit paano nabawasan ang ingay. Mabilis ding nakabyahe pauwi kina Pan dahil hindi naman matindi ang traffic on the way. Sabay-sabay kaming bumaba nina Kuya Phylix atsaka nagpaalam kina Kuya Colai at Kuya Lucas.

Mabilis ding nangyari ang mga bagay-bagay. Si Kuya Phylix bumagsak na kaagad sa sofa sa may sala. Kami naman ni Pan, dumiretso sa kwarto. Tahimik lang ang lahat dahil tulog na ang mga tao sa bahay. Tumungo kaagad ako sa kama ni Pan para makaupo. Hindi pa man din ako nagtatagal sa pwesto, napahiga na kaagad ako nang dambahan ako ni Pan ng yakap.

"Bigat mo naman!" tahimik na angil ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, buong katawan niya ang nakapatong sa 'kin. Salong-salo ko lahat ng timbang niya. At hindi doon natapos ang lahat dahil inamoy-amoy pa niya ang leeg ko.

"Ang sexy naman ng amoy mo," bulong nito sa tainga ko bago isiksik ang kaniyang ulo sa leeg ko. "Ayaw mo talaga akong payagang i-kiss ka?" tanong nito sa paraang pa-cute na boses.

"Ayaw! Hangga't walang consent ko," biro ko.

"Awe . . ." Imbis na magmukmok, patuloy na lang niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko at sininghot itong nang paulit-ulit.

Ayaw ko naman maging hard sa kaniya kaya ginantihan ko na lang rin siya ng yakap. Ramdam ko 'yung comfort. Sa yakap niya, pakiramdam ko walang mali sa pagpapahinga kahit marami kang pending na gawain sa buhay. Ilang segundo lang ang lumipas, lumapat ang labi niya sa pisngi ko nang hindi ko namamalayan.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon