Chapter 09: Drunk and Confused

319 38 12
                                    


DRUNK AND CONFUSED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DRUNK AND CONFUSED

“Alam mo namang mababa lang tolerance mo sa alak, tinanggap mo pa nang tinanggap ’yung tagay.” Iyon na lang ang nasabi ko nang magreklamo si Cruzette na sobrang nahihilo siya.

We're basically on the bed, back are laid on the wall, while waiting for someone to come in. Maingay pa rin sa labas at tila walang pakialam ito sa mga tao sa paligid nila. Kami lang din kasi ang tao sa bahay. Umalis ’yung nanay ni Crisp kanina pagpasok namin. Si Tito naman, ang pagkakaalam ko may inaasikaso tungkol sa trabaho nito base sa pagkakakwento ni Crisp. Tinanong ko nga siya kung bakit parang okay lang sa kaniya na kasama niya kami sa mismong birthday niya kaysa sa mga magulang niya. Ang sagot niya sa ’kin, mas gusto niya lang daw kaming kasama. No drama involved. Gusto man din namin siyang kasama, ang kaso, nakakulong kami dito sa kwarto niya. Ang naging mantra na lang namin ni Z, mapansin ng isa sa kanila na parang ang tagal naming makabalik. Pero mukhang matatagalan pa yata.

Pagkainip. Kaba. Ilang. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong katabi ko si Cruzette sa kama. Kung umakto’y lasing. Kung hindi ko pa ito sabihang mahiga na lang para mabawasan ang pagkahilo niya, hindi nito titigilan ang pag-alog sa braso ko. Mabuti na lang din kami ang kasama niya, panigurado kasi hindi nito kakayanin ang ibang environment. Baka may mangyari lang na masama sa kaniya at ayaw namin ’yon.

Ilang weeks na rin ang lumipas noong nagkaroon kami ng away sa pakikialam ko, tinanggap ko naman na lahat ng mali ko. Sa tingin ko naman moved on na ’ko. Tanggap ko na ’yung katotohanan. Pero ewan ko. Iyong attachment ko sa kaniya, nakadikit pa rin. Hindi naman gan'on kabilis mawala ’yon. Pero sa ngayon, sa tingin ko parang lumuluwag na ’yung strings. Iyon nga lang, sobra ’yung chills ng lungkot ko kapag nakikita siya, kumpara dati na kilig ang dulot sa ’kin.

Ewan ko ba. Ang hirap niya kasing kalimutan. Pero tanggap ko na. Tanggap ko na talaga. Promise.

“Alexei?”

Napalingon ako sa kaniya. Nakapikit ito, tahimik lang na nakatagilid paharap sa ’kin. Parang baby kung tutuusin. Baby ni James.

“Sorry,” rinig kong bulong niya.

“Ba’t ka naman magso-sorry. Alam ko namang hindi mo sinasadya na masarado ’yung pinto.” Sinubukan kong kausapin siya nang diretso nang walang ilang tulad dati.

“Hindi! Hindi kasi about d’on.”

“Then saan?”

“About what happened the other day.”

“Tagal na n’on, ah!”

“Pero 'di ba wala naman sa time ’yon?”

“Lasing ka na talaga.”

Muling binalot ng katahimikan nang ilang segundo na kaagad rin namang natapos nang magsalita siya.

“Alam mo, ilang beses akong nag-contemplate about this. Not to be rude with you . . .  or not to kick your feelings, pero hindi ko alam kung bakit hindi kita gusto.”

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now