Chapter 14: Staring Test and Other Signs

207 30 9
                                    

CHAPTER 14
STARING TEST AND OTHER SIGNS

Noong magising ako kinagabihan, pakiramdam ko gumaan ang hangin at hindi na ganoong sala sa lamig at sala sa init ang temperature sa kwarto. Wala na ring magulo sa kama. Tuwing naaalimpungatan ako, nakikita ko siya sa tabi ko na kung hindi naglalaro ng ML, nagpipigil ng tawa; ayaw ko na lang alamin ang dahilan. Sabi ni Mama magbabandang alas sais ng gabi nagpaalam si Pan, siya na mismo nagsabi na huwag na akong gisingin dahil mukhang nasasarap daw ang tulog ko. Bilang pag-a-appreciate ng efforts niya para sa 'kin, nagpasalamat ako sa kaniya through chat at sinabing babawi ako sa kaniya. Nang mabasa niya ang message ko, bigla itong nag-videocall. Nang pindutin ang green button ay kaagad ko ring pinatay ang camera pampalubag loob sa insecure self ko.

"Thank you, ah. Sorry din sa abala," sabi ko.

"No problem! Basta huwag mo lang kalimutan uminom ng gamot. 'Wag din papalipas ng gutom kung ayaw mong malipasan ka ng panahon," anito.

Base sa pwesto nito ay makikitang nakahiga na siya sa higaan niya, halata na bagong ligo dahil kita ang pagkabasa ng buhok nito. Habang nakatingin sa screen ay sinusuklay pa nito ang sariling buhok.

"Mamaya bababa na 'ko, nag-i-stretch lang muna. Parang ang sakit kasi ng likod ko."

"Wala akong ginawa, ah!"

"Huh?"

Bilang sagot ay tumawa lang ito. Mukhang masaya siya dahil wala akong idea sa sinasabi niya. Wow.

"Dalaw ulit ako d'yan sa inyo bukas, wala naman ako masyadong ginagawa."

"Baliw! Huwag na. Pahinga ka na lang sa inyo. Practice ka na lang bagong kanta o kaya gawin mo na 'yung pending assignment mo."

"Ayoko nga!"

"Edi 'wag."

"Madali ka lang pala kausap." Mula sa screen ay nakita ko kung paano siya nag-make face. Mission accomplished naman siya kasi nakakainis 'yung mukhang ginagawa niya. "Basta pupunta ako d'yan, dala na lang ulit ako foods atsaka pineapple juice," dagdag nito.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?"

"Hindi mo naman pinapakita sa screen mukha mo!"

"In person, baliw!"

"Ba't naman kasi ako magsasawa sa 'yo, coconut jam ka ba?"

Hindi na lang ako nagsalita dahil sa yamot.

"'De joke lang, mukha ka ngang mama, eh."

"Imong mama?"

"Mamahalin ko."

Parang tanga naman nito. "Hindi pa ako magaling, 'wag mo 'kong binatin."

"Minsan nga kumagat ka naman sa mga banat ko. Para namang hindi ka na sanay."

"Ikaw kagatin ko d'yan, eh." Natawa na lang ako sa sinabi ko habang nakatingin sa mukha niyang naka-zoom in sa screen.

"Lumalaban! Gusto ko 'yan!"

And with that, I ended the call in an instant.


Minsan iniisip ko kung totoo ba si Pan sa sinasabi niya sa 'kin or talagang mapagbiro lang siya. Totoo naman, mapagbiro talaga siya. Pero ewan. As much as I want to eradicate that suspisions in my head, his acts are always telling me that they weren't just made out of nothing.

Siguro nga naging effective talaga ang sinabi ko sa kaniyang pag-practice-an ako para next time ay makapag-confess na siya kay Lord Voldemort, na halos pati ako nadadala na. Ewan. Minsan ang hirap maging pisces. Kagaya na lang kanina, kahit sinabi ko na sa kaniya na huwag na siyang pumunta dahil maayos naman na pakiramdam ko, ayon nagpumilit pa rin. Mabuti na nga lang at may dala siyang pineapple juice atsaka takoyaki.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon