Chapter 33: Fever Dream

95 8 1
                                    

CHAPTER 33
FEVER DREAM

Pakiramdam ko nasa isang fever dream ako. Sobrang saya. I have never felt this good in my entire life. Wala na akong mahihiling pa ngayong kasama ko si Pan. To him na pinili akong intindihin noong panahong wala akong maintindihan. Hindi papahuli sina Kuya Benny and Pao na hindi ako iniwan noong panahong magulo ang utak ko.

I have learned my lesson. Susubukan kong hindi na ulit mangyari ’yung mga naganap nitong nakaraang buwan. Mahirap din kasi. All this time ako lang ’tong nagpapahirap sa sarili ko. Mas pinili kong mag-isolate at itulak lahat ng malapit sa ’kin. Kapag naaalala ko ’yon, unang pumapasok sa isip ko na dapat alagaan natin ’yung sarili natin. It's one of the most precious things we have — ourselves.

Nagkakasiyahan ang lahat. Pero si Z, nasa isang sulok at nagmumukmok. Kung hindi ko pa maisipang lumabas para sumagap ng preskong hangin hindi ko siya makikita. Minsan sa sobrang saya natin, we tend to forget other things. Hindi ko nga alam kung napansin ba ni Pan ’yung pag-alis ko. Sobrang saya din kasi nila. Pinag-uusapan nila ’yung misadventures nila noong junior high school. Hindi ako dito nag-JHS kaya hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila.

“Z?” Napalingon siya sa ’kin. Mukhang hindi niya in-expect na makikita ko siya. “Bakit ka nag-iisa diyan?” Nakita ko kung paano niya ibalik ’yung tingin niya sa mga halaman. Nasa kalagitnaan na rin ng gabi. Gawa ng climate change, ngayon pa lang nagpaparamdam ’yung malamig na hangin na dapat naramdaman na namin noong pasko.

“Lapit na graduation,” aniya. Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad. Mabuti na lang din at may iilang tao sa paligid kaya hindi delikado. “Malapit na tayong maghiwa-hiwalay ng paths.”

Oo nga. Sa sobrang bilis ng oras, hindi ko namalayan na ilang linggo na lang pala tapos na ang academic year. After nitong prom, magpa-practice na kami ng march namin para sa graduation ceremony. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot kapag iisipin kong magiging sobrang dalang na ’yung pagkikita namin. Alam ko na kahit ipangako man namin sa isa’t isa na walang magbabago, may magbabago. Nasa nature na ’yon ng tao.

“I'm having doubts,” aniya. “A new life is about to happen but pakiramdam ko hindi ko alam ’yung right path na dapat kong tahakin. What if eventually, I failed?”

The horrors of being in the pre-adulting stage. We tend to overanalyze. Pakiramdam natin sapo natin ang bigat ng buong mundo. Bawat step na lalakaran natin, magde-determine ng magiging buhay natin in the near future. Kaya mas magandang maging wais sa decision making. Hindi ’yung pabigla-bigla. Dapat pinag-iisipan. Tayo lang din kasi ’yung magsa-suffer.

“But the least thing we can do is try, ’di ba? Gaya nga ng sabi nila, it's okay to fail sometimes in order to succeed all the time.”

She just nodded.

Sobrang gasgas na ng advice na ’yon pero ang timely din kasi. Lalo ngayong stage kung nasaan kami. Ilang years na lang nasa professional life na kami. We had to do better para makasabay sa agos. Maiisip ko pa lang ’yung obstacles na dadaanan namin, feeling ko sobrang stress ’yung dadanasin ko.

“Pero alam mo, may nabasa ako. Nag-advanced reading din kasi ako.” Sinubukan kong pagaanin ’yung mood. Napangiti naman siya sa thought na hindi lang siya ’yung nag-advanced reading. “’Di ba I am aiming for secondary education?” Tumango-tango siya. Alam niya kasing gusto kong maging teacher someday. “Sabi, we have to break ourselves into parts in order to make a new version of ourselves. Isa ’yon sa concept ng Bloom’s revised taxonomy. We have to analyze, then synthesize to create.” Sana lang ay tama ’tong pinagsasabi ko.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now