[ art by salgoolulu ]
.
.
.
"Dahil ba 'to sa kaniya?"
"Pa'no mo nalaman!"
"Ang dapat na tanong: kailan ko nalaman?"
Hindi ko nagawang magsalita. Iyong leeg ko, parang basang damit na pinipilipit nang mahigpit. Para akong naging pipi sa isang pitik lang ng pagkakataon. Baka ganito nga talaga ang pakiramdam kapag nahuli ka sa akto. Iyong tipong ramdam mo sa sarili mo na parang nakulong ka na sa iisang espasyo at hindi ka na makakatakbo pa - ganoon sa pakiramdam. Wala akong magawa.
Gusto kong kabahan pero siguro tama na rin 'to. It's almost two years . . . o baka dalawang taon na rin? Ganoon ko katagal itinago 'tong hinihimutok ng butchi ko. Siguro ayos na rin ngayon, na kahit paano, may nakakaalam na. Hindi na siya basta sikireto lang na pinipilit kong buhatin mag-isa nang palihim kahit mabigat sa dibdib. At least I'm relieved.
"Bakit ba ganito ka?" tanong ko.
"Ganitong ano? 'Di ko gates."
"Ano . . . parang may sarili kang paraan para malaman 'yung mga bagay-bagay." Isang tahimik at tipid na tawa ang iginawad ko sa malamig na kapaligiran.
"Bakit ba?" Tumawa siya.
"Kaonti na lang iisipin ko nang psychic ka."
"Hindi naman. Observant lang. Sa 'yo."
"Alam mo, ewan ko . . . sa 'yo."
Para kaming timang na nagtulakan sa gilid ng kalsada. Kung hindi ko suot ang eye glasses ko, for sure kanina pa ako nasagasaan ng sasakyan. That's dark, I perceive. Pero totoo naman kasi. Bulag ako sa dilim. Night-blind. Hindi tulad niya na kahit ang liwanag na, hindi pa rin ako makita. Awts!
"Siguro gan'on lang talaga kapag hindi sa 'yo naka-focus 'yung atensyon ng tao."
Natahimik ako. Kusang kumawala sa baga ko ang isang malalim na buntonghininga. Patuloy lang kami sa paglalakad tungo sa sakayan. Saktong alas sais na rin ng gabi. Hindi naman ganito usually ang uwi namin, sadyang may pinuntahan lang.
It's Cruzette's nineteenth birthday. Nakakahiya naman kung hindi kami pupunta . . . o baka sa 'kin lang? Kaya kahit umuulan noong bandang alas tres ng hapon, uwian galing school, nagpasya pa rin akong tumuloy despite the hassle. Friday naman kasi. Walang pasok kinabukasan. Hindi rin masyadong hectic ang sched so far kaya medyo malaya.
BINABASA MO ANG
The Birth of Lovesick Boys - Boys' Love
Teen Fiction[ FINISHED ] Sa mundong puno ng mga sad boy, paano nga ba nagsimulang isilang ang lovesick boys? ***** Highschool, panahon kung saan nagsisimulang sumibol ang mga puso. Sa pagharap sa registrar sa bagong school na papasukan, alam na ni Xei na mayroo...