Chapter 28: Chicken Wings and Apologies

56 9 0
                                    

CHAPTER 28
CHICKEN WINGS
AND APOLOGIES

“Christmas break na,” I thought to myself.

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago magsimulang maglakad palabas ng gate, leaving everything behind. Inaya ni Crisp ng set ang buong class sa bahay nila pero nag-refuse akong sumama sa alok niya. Maaga akong lumabas at hindi nagpaalam sa mga kaibigan bago umalis. Ang buong nasa isip ko, gusto ko munang mapag-isa. Masyadong nakakapagod.

Pagkababa ko ng jeep ay tumungo kaagad ako sa bahay. Just like the usual, walang bumati. Naabutan ko si Mama na kasalukuyang nanunuod ng telenovela sa TV habang umiinom ng kape sa baso nito. Saglit akong sumulyap, ilang segundong tumitig sa direksyon nito, bago mapagdesisyunang dumiretso sa kwarto.

Hindi man lang nawala ang bigat sa dibdib ko nang ibagsak ko ang buong sarili sa kama. ’Yung pagod, nananatili pa rin sa kasukasuan ko. Hindi ko alam kung katawan ko ba mismo ang kailangan ng pahinga o itong dibdib ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang chills na dumadaloy sa buo kong katawan. Hindi ko maipaliwanag. Gusto kong umiyak maghapon pero parang walang luhang tutulo sa mga mata ko.

“Adiel,” bulong ko. Iyon ang una kong binanggit nang matingin sa salitang nakaimprenta sa suot na bracelet. Walang anu-ano’y tinanggal ko ito sa palapulsuhan at inilapag sa tabi.

Sana hindi ako nagkamali sa desisyon ko. Sana hindi ako magsisi sa huli.

Laging nagte-text sa akin si Pan pagkauwi namin galing school, pero ngayong hapon, wala akong na-receive na message. Hindi na rin ako aasang makatatanggap pa.

I always believe myself as unworthy of love. It just happened that it's not my thing. Simula nang magkaisip ako naramdaman ko nang walang sumusulyap sa akin: inaalala, nilalapitan para i-check at tinatanong kung gusto bang sumama. Hindi na rin ako nagtaka dahil hindi ako lumaking malapit sa mga tao. Wala akong kasundo sa mga kamag-anak ko. Social butterfly; walang permanenteng kaibigan. Baka dahil sa personality ko.

Hindi ko rin sigurado kung ano ang dahilan pero naging isa siguro sa factor ang paglaki ko sa household na walang bond sa isa’t isa. Hindi open sa affection. Nararamdaman ko naman ang care ng mga magulang ko sa pag-fulfill nila ng needs ko, pero ewan. Siguro hindi ko lang talaga nakita sa kanila ’yung concern at ’yung kind ng love na hinahanap ko. Mas ramdam ko ang pressure. I love them but apparently, I never felt safe with them.

Nagpapaka-pseudo-intellectual lang talaga ako noong sinubukan kong bigyan ng sariling meaning ang pagmamahal. Dahil ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano. Sa isip-isip ko, hindi ko naman ito na-experience first-hand. Pero growing up, na-realize kong masyado lang palang narrow ang point of view ko. In fact, it's just there. ’Yung pagmamahal, nandiyan na mismo sa harapan ko. Mula sa simpleng paghahanda ni Mama ng almusal sa umaga at sa pagtatanong ni Papa kung ano'ng nangyari sa school. Sa paglapit ni Mama sa ’kin tuwing may sakit ako at sa pagregalo sa ’kin ni Papa ng laptop last year. Kina Kuya Benny, Pao at Pan sa simpleng pag-aayang kumain, sa pagtatanong kung ayos lang ako at laging pagpaparamdam sa ’kin na hindi ako nag-iisa — sa pagiging tunay na kaibigan.

Natutunan ko sa Personal Development subject namin ang iba’t ibang klase ng love: philia, storge, philautia, etcetera. Pero isa sa mga pinakanagustuhan kong love ay ’yung version na ipinaramdam ni Pan sa akin: kaibigan, pamilya at kasintahan. May concern. May respect. Walang sumbat. Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Pagmamahal na hindi pagsisisihan. Kapag nasa tabi ko siya, pakiramdam ko ligtas ako. Hindi ko alam kung paano siya ika-classify, pero siguro mas okay na tawagin na lang siya bilang simpleng salita na “pagmamahal.” Hindi naman natin kailangan gawing complicated ang salitang “love.”

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon