Chapter 25: Miss Yous and Missed Calls

156 25 6
                                    

CHAPTER 25
MISS YOUS AND MISSED CALLS

Lately na-realize kong mas madalas ko pang makausap si Cruzette kaysa kay Pan. Minsan usap tungkol sa iba pa niyang issue sa buhay, madalas sa kung paano ako binibwisit ng mga ka-group ko sa research. Kapag humihingi ako ng tulong sa GC namin, lagi lang akong seen. Pakiramdam ko tuloy minsan wala akong kwentang leader dahil hindi ko man lang magawang makuha ang attention ng groupmates ko, pero iniisip ko na lang na mas wala silang pakinabang na co-member dahil hindi nila magawang tumulong sa leader nila.

Kapag busy si Pan, sakto si Cruzette ang nakakausap ko. Para ngang bumalik kami tulad noong una, tanungan ng mga need gawin. Pero unlike dati, mas napag-uusapan na namin ang mga bagay na labas ng academic field. We find each other through texting. I even named her "†" in my contacts so if ever someone tried to take a peek on my phone, they wouldn't notice that it's Cruzette whom I was talking to. I gave her my number, so if she ever thought of needing someone to talk to or something to talk about without hesitation, I'm just there for her. Somehow kasi parang natakot na siyang magbukas ng social media accounts niya, which I do respect.

Hindi ko rin siya masisisi dahil until now nahihirapan pa rin siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Ilang beses ko na yatang sinabi sa kaniya na sasamahan ko siya sa nearest police station, pero hindi mawala ang takot sa dibdib niya. Lagi siyang pinangungunahan ng kaba. Natatakot siyang once na magsumbong sa police, mabilis lang itong maiiwasan ni James at gawin 'yung bagay na iniiwasan niyang mangyari.

Wala naman akong magawa dahil ayaw ko ring pilitin siya. Pero umaasa pa rin akong dadating ang puntong matatag na siya . . . puntong handa na siyang harapin ang kinatatakutan niya. Sabi ko naman sa kaniya, nandito lang ako at handang umagapay sa kaniya.

Nakikita ko kung paano mas nadagdagan pa ang mga nakakakilala sa Bright Mind Piyoque base sa official social media pages nito. Hindi man kalakihan katulad ng ibang mga sikat na banda, pero masasabi kong proud ako dahil isa ako sa fifty thousand followers nila. Katulad ng dati, ako ang unang sinabihan ni Pan nang finally ay signed na ang banda nila under ng isang indie record company na binabanggit lang nito dati. Hindi man nito aminin pero alam kong naririndi na siya sa tuwing sinasabi ko sa kaniyang proud ako sa mga narating niya. Hindi rin ito biro dahil sa dami ba naman ng banda sa mundo, isa ang samahan nila sa nakakuha ng recognition from the public.

Kahit hindi man niya sabihin, aware din akong nahihirapan si Pan kung paano ija-juggle ang studies at career, lalo't balita ko sa kaniya ay by next week magsisimula na silang mag-record ng mga kantang included sa debut EP nila. Isang beses ay kinulit ko siya since gusto kong marinig ang demo nila pero lagi niyang iniiba ang usapan. Nang sitahin ko siya, "surprise na lang" ang sabi nito. Hindi ko na rin binuksan ang topic tungkol doon dahil alam kong kahit paano ay aware ako sa formality. Pero katulad ng lagi kong promise sa kaniya, once na ma-release 'yung EP, buong araw ko iyon pakikinggan araw-araw.

Although I maybe happy as BMP gain some attention, hindi ko maitatanggi na minsan nalulungkot ako dahil kung bihira na kami makalabas noon nang magkasama, mas naging bihira pa ngayon.

Hindi ko man aminin kay Pan pero lagi ko siyang nami-miss. Sa tuwing maalala ko ang pagiging clingy niya, automatic na hinahanap ko kaagad 'yung pa-simpleng pagpisil nito sa tainga ko, mga yakap sa tiyan, mga pagkakataon na nakikinig kami nang sabay sa iisang pares ng earphones. Kung dati siya ang naglalaro sa buhok ko, madalas ako na gumagawa niyon sa sarili ko. Oo't nagkikita nga kami sa school, pero ewan ko ba . . . hindi ko naman inaakalang ganito kalakas ang tama niya sa akin. Baka kung yayain niya akong magpakasal, ako pa mismo magdala sa kaniya sa altar.

"How's the practice?" minsan kong pangungumusta sa tawag. Sa pagsapit kasi ng gabi ay magkakaroon ito ng gig sa The Metro Cafe just like the usual. Base pa sa kwento nito, balak daw nilang i-perform ang isa sa b-side ng magiging EP nila for promotion.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now