Chapter 22: Beef Pares and the Future

172 23 14
                                    

CHAPTER 22
BEEF PARES AND THE FUTURE

Pakiramdam ko sawang-sawa na si Pan sa tuwing sinasabi kong proud ako sa kaniya. Iyon naman kasi talaga ang totoo. I always support him no matter what. Halos isang buwan na rin ang lumipas nang sumikat ang video ng Bright Mind Piyoque, and with that, dumalas silang mag-perform sa iba't ibang bar at cafe. Dalawang beses na rin silang nakalabas sa Bulacan para lang mag-perform. Minsan pa nga ay nagkaroon sila ng special act sa isang concert for a cause sa Manila.

Kapag may bagong balita with regards to the band, ako ang laging una niyang sinasabihan. Kagaya na lang noong magkaroon sila ng urgent gig few weeks ago. The same night, tumawag siya. Nangungumusta pa lang siya pero ramdam ko na kaagad ang excitement niya. Lalo na nang magsimula siyang magkwento.

“May manager na kami!”

Si Kuya PD. He given them some help to gain more bookings. Hindi naman sila binigo nito dahil siya ang tumulong sa kanila upang makapag-gig outside the city. And within a few months after ng promotions, balak daw nila maglabas ng digital extended play once matapos ang negotiation ng manager nila sa isang indie record company.

Sabi ko sa kaniya, excited akong marinig ang original songs nila. Buong araw ko ’yung patutugtugin gamit speaker sa bahay namin. Hindi man ako nakakadalo sa lahat ng gig niya, siguro ayos na rin ang support na ’to bilang dispensa?

Gusto kong iparamdam kung gaano ako kabilib sa kaniya, katulad ng sa kung paano proud sina Tita sa kanilang magkapatid. Sabi ko naman sa kaniya I'm always there for him. Lagi pa rin akong nasa tabi niya kahit minsan parang nararamdaman kong ang hirap na niyang abutin.

“Akala ko hindi ka na matutuloy.”

Hindi mabura ang ngiti sa labi niya nang makita ako. Kakatapos lang ng gig niya at bumaba kaagad siya sa stage para lumapit at yumakap sa akin. Napatingin tuloy ’yung ibang costumer ng The Metro Cafe kung saan sila naka-assign mag-perform ngayon. As per him, this was their last gig for the month.

“I guess, surprise?” Nginitian ko siya.

“Ikaw, ah, may pa-surprise ka na.” Katulad ng nakagawian ay pinisil-pisil niya ang tainga ko. Ginulo ang bangs ko, reason kung bakit bumaba ang salamin ko. Tanong pa niya, “Ano ’yang dala mo?”

Miski ako napatingin sa paper bag na hawak ko. “Ah, ito. Gift ko sa ’yo for doing great as always.” Itinaas ko ito at inabot sa kaniya.

“Hindi ko naman na kailangan ng gift since nandiyan ka na.” Nahihiya itong ngumiti habang tumitingin-tingin sa mukha ko.

“Ang pabebe mo naman!” Natatawa kong biro. “Just accept this.” Kinuha ko ang kamay niya atsaka pinahawak ang string ng paper bag na ibinibigay ko. “Simple gift nga lang ’yan. Gusto mo ibigay ko pa sa ’yo ’yung MOA globe.”

“Line ko ’yan, ah?” At nagtawanan kami.

Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang kamay ko bago mag-ayang lumabas ng establishment. Napatingin pa ako sa paligid at baka makita ng kamag-anakan ni Pan ang pagiging clingy niya. Mukhang napansin niya ako kaya mabilis ako nitong hinila palabas.

“Makahila ka naman. Bakit takot ka bang malaman ng iba na may nagmamay-ari na sa ’yo?” pagbibiro ko sa kaniya.

Imbis na ilaban ang sarili, isang yakap sa waist ang natanggap ko sa kaniya. “Pwede bang gusto lang kitang solohin?” Miski siya ay natawa sa sarili.

Matagal na rin pala noong huli kaming lumabas ni Pan. Kapag kasi nasa school kami, nandoon sina Kuya Benny at Pao. Kapag uwian, lagi siyang inaaya ng bandmates niya for rehearsal at pag-aaral ng bagong kanta. Minsan kapag free time, imbis na lumabas kaming dalawa, nagyayaya naman sina Kuya Benny na hindi namin magawang matanggihan. Natawa nga ako nang sabihin ni Pan sa ’kin kung kailan ba namin masosolo ang mundo.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon