Chapter 12: Guinea Pig

245 28 7
                                    

CHAPTER 12
GUINEA PIG

I COULD REMEMBER EVERYTHING PAN HAD TOLD ME ABOUT HER. The name Alexia Pradez - nakatatak pa rin sa isip ko. Minsan iniisip ko kung gaano nga ba talaga ka-impactful ang first love sa 'tin, and by my experience on loving Cruzette before na two years ko lang nakilala, paano pa si Pan na halos kasama nang lumaki si Alexia. They attended the same school and same sections from 7th until 10th grade bago sila maghiwalay nitong senior highschool because of change of schools. Aside doon, nakatira sa parehong barangay kaya sabay maglakad at babyahe kapag uuwi at papasok ng school noon. Their world revolved around themselves for years so much that they almost knew everything about each other from the top of their head to the tip of their toes.

Nangyari ang scene nang umamin ng feelings si Alexia sa kaniya noong after party ng moving up ceremony nila. Pero sa isip-isip niya masyado pa silang mga bata noong panahon na 'yon at wala pang alam sa mga bagay-bagay na related sa love kaya hindi niya tinanggap ang feelings nito. He turned her down. Simula noon, hindi na sila nag-usap. Parang bulang biglang nawala 'yung bond sa pagitan nila. But months of realizations, he figured out what his heart certainly wants - it's her. But he didn't pushed it. He never gave his feelings a chance. Pero huli na ang lahat. Years passed and he knew that Alexia's feelings for him too.

Hindi man niya ito tanungin pero alam na niyang hindi na siya gusto nito. Nabalitaan din niya kasing ilang beses na siyang nagkaroon ng boyfriend within that two years after her confession to him. Doon pa lang alam na niyang malabo na kaya hinayaan na lang niya 'yung feelings. Akala niya lilipas din ang panahon at makakalimutan niya ang feelings niya para kay Alexia, pero hindi niya inasahang magkakamali siya. What had happened is his feelings for her deepened.

Hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon masyado pa rin siyang affected sa kanila ni Alexia. Nahihiya naman akong magtanong sa kaniya about more sa kanila kaya hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nangyayari . . . lalo na nang naikwento niya sa akin noong nakaraan na nagkita silang dalawa. He grown even sadder, that's why I decided to stay with him even if he didn't ask for it.

"Nakikita mo na ba 'ko nang maayos?" tanong ni Pan sa 'kin.

Pagkasuot na pagkasuot ko ng bago kong salamin, presensya niya kaagad ang unang bumungad sa paningin ko. Nakatingin siya sa akin habang kita sa kaniyang mukha ang malawak nitong ngiti. Mabuti na nga lang at medyo nagiging okay na siya pagkatapos niyang mag-open sa 'kin three days ago kumpara noong mga araw na hindi niya kami kinakausap. Pumayag pa siyang samahan akong magpaayos ng salamin sa may bayan.

Pagkalabas namin, habang naglalakad, tinanong niya 'ko, "Nagugutom ka na ba?"

"Medyo," tipid na sagot ko.

"Libre na lang kita sa Jabi."

"KKB na lang, sinamahan mo na nga 'ko."

Kusang napapitlag ang katawan ko nang hawakan niya ang braso ko para alugin.

"Isipin mo na lang na token of appreciation 'to."

"Para saan?"

"Para sa pag-intindi . . . sa pagsama sa 'kin noong down ako. Hindi mo lang alam kung gaano mo napagaan 'yung loob ko."

"Jusko! Kahit nga walang kapalit. Kaibigan, eh, normal lang 'yon."

"Gusto ko meron."

Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako papunta sa malapit na Jollibee branch. Ilang lakad lang ang layo n'on sa pinagpagawaan ko ng salamin. Nang makapasok ay bumungad sa 'ming dalawa ang malamig na hangin sa loob ng establishment. Tumapat siya sa 'kin atsaka nagtanong kung ano gusto kong kainin, ang sabi ko lang, "kahit ano." At ang in-order niya para sa 'kin, one piece of chickenjoy with jolly spaghetti with drink, 'tapos isang soda float kasi mukhang uhaw na uhaw raw ko. Dalawang order para sa aming dalawa. Umiling pa 'ko nang tanungin niya ako kung gusto ko ba magpadagdag ng burger kahit alam niyang hindi naman ako heavy eater. Sa second floor kami pumunta sa may gilid ng salamin. Kita mula sa kinauupuan namin ang view ng mga busy na tao sa may baba, minding their own worlds. Napatingin ako kay Pan nang magsalita ito.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon