Chapter 10: The Fucked-up Guy

298 32 3
                                    

CHAPTER 10
THE FUCKED-UP GUY

KATANGHALIAN NG ARAW, I had no choice but to give some hands sa tatlo since ginagawa pa nila 'yung small project na ipapasa nila kay Sir Aquino within the day, puro kasi non-academics ang inatupag. Tapos naman na 'ko kaya ako na mismo ang nag-adjust para ibili sila ng snacks na makakain para sa recess.

All went smoothly. Nakarating ako sa canteen. Nakapili ng ilang biscuits and bottled drinks para sa aming apat. Nang makabili'y kaagad kong nilagay ang mga pinamili sa ilang plastic. Pagkatapos ay lumabas sa mainit at kulob na canteen para bumalik sa room namin sa third floor. Hindi alintana ang init, tumatagaktak pa ang pawis sa noo. Dahil na rin sa paghahadali, hindi na 'ko nag-abala pang gumamit ng panyo pampunas sa namamasang noo at ginamit na lang ang likod ng palad.

I'm walking on my way noong time na 'yon nang hindi inaasahang makasalubong si Cruzette na mag-isang naglalakad papunta sa pinanggalingan ko. Mas na-realize kong things were indeed okay na nga between us dahil malayo pa lang kitang-kita na ng mga malalabo kong mata ang ngiti niya sa 'kin.

"You looked stressed," she told me.

"Lagi naman." Nahihiya akong ngumiti.

She looked at me. But unlike before, nakaya ko nang humarap sa kaniya nang hindi masyadong kinakabahan. My feet didn't wobble. Pinagmasdan ko lang siyang may hugutin sa bulsa ng skirt niya. Sandaling napaatras nang lumapit siya sa 'kin, only to find out na pupunasan niya lang ang noo ko gamit ang panyo. Wait- hindi niya lang pinunasan ang pawis ko. Pinunasan niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos niyang gawin 'yon. She's just smiling at me the whole time.

"Ahm before I forgot, thank you nga pala rito." Ipinakita niya ang panyong ipinahiram ko sa kaniya dati. Umakto pa itong iaabot sa 'kin pero na-realize niyang occupied ang mga kamay ko. Ang ginawa niya, lumapit ulit siya atsaka isinuksok ang panyo sa bulsa ng polo ko sa may kanang dibdib.

"I gotta go!" She smiled at me then go.

I was left confused. Napailing pa ako ng ulo ko nang bahagya before deciding na bumalik sa classroom. The boys are surely waiting for their food.

"Tagal mo namang nakabalik!" salubong sa akin ni Pao nang makabalik. Imbis na magpasalamat ay sumunggab kaagad ito sa 'kin at kinuha ang mga dala ko. He then started preparing it for us sa mga available seat within the area. "Upo na nang makakain!" anito atsaka nagsimulang kumain.

"Sorry sa abala, Xei," rinig kong sabi ni Kuya Benny. I just smiled. Nang matingin ako kay Pan, nakatitig lang ito sa 'kin. Kung hindi pa 'ko napakunot ng noo, hindi ito babalik sa ginagawa niya.

"Nga pala noong wala ka may narinig kaming chismis d'yan sa tabi-tabi," nangingiti-ngiti pa si Kuya Benny habang nagsasalita.

"Ano raw?" takang tanong ko habang binubuksan ang hawak na Cream-O.

"Jow-"

"Joke lang 'yon, 'wag mo na lang pansinin," pagpuputol ni Pan sa usapan. Seryoso pa rin ito sa ginagawa niya.

"Ano nga, binanggit niyo pa sa 'kin hindi niyo rin pala sasabihin," sabi ko. Hinablot ko 'yung Sprite ni Kuya Benny para sana mapilit itong magsalita pero imbis na sumagot ay nangingiti lang itong umiling-iling. "Pangit niyo ka-bonding," tanging naging reaksyon ko na lamang atsaka binuksan ang Royal na hawak para makainom.

*****

Time passed swiftly. Lunch na and the boys are almost done na rin with their stuff. Saktong twelve o'clock noon nang makalabas kami sa room para kumain, pero sa kamalas-malasan, tinawag ako ni Sir Aquino at pinapunta sa faculty niya.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now