Chapter 08: Stuck in the Moment

175 16 4
                                    

STUCK IN THE MOMENT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

STUCK IN THE MOMENT

“Stuck, stuck, stuck on you
Don't know what to do
I can't figure out this cosmic feeling
That you put me to.”
Stuck on You, Baby Blue

•••

IT'S TWELVE O'CLOCK IN THE AFTERNOON, the weather's hot and we have no choice but to endure it. Kulang na kulang ang apat na electric fan para palamigin ang buong room kaya ito kaming pawis na pawis at nagdudusa sa mala-impyernong init. Magkakasama kami ng barkada sa iisang side ng room at kumakain ng lunch habang nag-uusap ng kung ano-anong bagay. Kaso nahinto kami sa pinag-uusapan namin nang lumapit sa pwesto namin si Crisp. Bigla kasi itong umakbay kay Pao kaya nalipat ang atensyon naming lahat sa kaniya.

Kung pagmamasdan ang awra nito, mapapansin ang saya na nararamdaman nito. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit abot-tainga ang mga ngiti nito sa parehong oras na ’yon. Tumingin ito sa mga mata namin, kaya napatingin din kami sa mga mata ng isa’t isa.

“Date check, mga erp. November nineteen ngayon,” sabi nito.

Sandaling nag-loading ang utak ko. Teka, may nakalimutan ba 'ko? Huminto ako sa pagkain at masinsing inisip kung ano mayroon sa araw na ’to pero seconds ang lumipas . . . failed ako.

“Ano ba'ng meron?”

Nakita ng mga mata ko kung paano siya nag-facepalm sa tanong ko. Umiiling pa ito at tila bumagsak ang mukha na parang disappointed dahil wala akong alam.

“Birthday ko kaya!” Umakto ito na parang umiihip ng imaginary torotot. “Nineteen years old na ’ko!” Pagkatapos n’on ay umakto ito na parang umiinom ng alak. “Celebrate tayo mamaya sa ’min. Invited siyempre kayong lahat, kayo pa ba? May alak doon, nagpaalam na ’ko kina Tatay. Atsaka alam mo na . . . meron ding girls,” anito sabay kindat nang sambitin ang topic na tungkol sa girls.

“Sus! Puro naman mga kaklase lang natin ’yon! Anong bago?” Mukhang hindi napigilan ni Benny ang sarili kaya napatawa ito.

Umiling-iling na lang si Crisp sa naging reaksyon ni Kuya Benny. “Punta kayo? Punta kayo?”

“Pero may pasok bukas?” Natingin ako kay Pan sa sinabi nito. “Ang hirap pumasok nang may hangover.” Pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pagkain.

“Basta kung ako ang tatanungin, kahit ano'ng mangyari sasama ako!” ani Pao atsaka nakipag-apir kay Crisp.

“Siyempre papahuli pa ba ako d’yan?” singit naman ni Kuya Benny atsaka siya naman itong nakipag-fistbomb kay Crisp.

Hindi ko mapigilang mapailing at mapangiti nang bahagya sa kanila. Wala na 'kong nagawa kaya hinayaan ko silang mag-usap habang ako nama'y nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain. Pero seconds after, automatic na napunta sa kanila ang atensyon ko nang mapansing lumipat ang hita ng fried chicken mula sa pinggan ko papunta sa kanila.

The Birth of Lovesick Boys - Boys' LoveWhere stories live. Discover now