PROLOGUE

128 14 0
                                    

QUEEN KIANNA BERDERA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

QUEEN KIANNA BERDERA

NAKATAAS ang noo kong hinawi ang buhok habang naglalakad sa hall way. Isang buwan na lang ay tapos na ang araw ng pagiging grade nine ko at bakasyon na. Kaya dapat sulitin ko na, aba.

Nakangiti kong tinignan ang kulay violet kong love letter at hinarap ang locker ni Jefferson upang ilagay doon. Well, panibagong day, panibagong crush na naman. "Hoy, bruha!" Nakangiti kong binalingan si Trishy. "Bago na naman?" Hindi makapaniwalang saad ng best friend ko habang nakaturo sa locker ni Jefferson.

Mahina akong tumango at nakapameywang. "Kasi naman, crinush-back na ako ni James, Mike, Zack at hindi ko na mantandaan kung sino pa 'yon sila, 'di ba? Boring 'yon? Kaya next na! Walang ka thrill thrill 'yong girl, like... 'yon lang? Hindi man lang ba ako ma-challenge?" Nagkibit balikat ako at tinapik ang balikat niya.

"Let's go"

Umiiling siya. "Ang sarap mo talagang sipain, bruha ka" bulong niya sa akin pero hinatak ko lamang ang buhok niya nang marinig ko ang boses ni Jeff kasama ang mga barkada niya. Tumago kami sa isang sulok at sinilip siya. "Ayan na," kinagat ko ang labi ko habang hinihila hila ang buhok ni Trishy.

"A-aray!"

"Manahimik ka nga! Jusko my God, binuksan na niya! Ayan na!" Pareho kaming napatitig sa kaniya habang kunot noong binuksan ni Jef ang sulat ko.

"Oy, ano 'yan?"

"Naks, love letter? Patingin!"

Malakas niyang iniwas ang kamay niya at ngumiti sa mga kaibigan niya na nakakaloko. Habang nakatingin ako sa kaniyang ekspresyon na ngayon ay binabasa ang sulat ko ay may biglang isang palad ang humawak sa isa kong balikat at nakikinuod.

Kumunot ang noo ko at malakas na tinampal ang kamay niya. "Huwag mo nga akong hawakan! Tsk! Chismosa ka, sis?" Umusog ako habang tutok na tutok pa din habang nakanguso.

"Excuse me?"

Saad ng pamilyar na boses babae sa tabi ko. Malakas akong umiling at iniwais ang kamay na para bang sinabihan na umalis muna siya. "Huwag ka ngang disturbo! Dumaan ka na lang 'wag ka nang mag excuse me" naiingayan kong saad.

"K-kia..."

Biglang nagsalita si Trishy habang nakatingin sa gilid ko at napaawang. "Ano na naman--"

"Miss Berdera!"

Nanlaki ang mga mata ko at agad napaayos ng tayo. Dali dali akong tumingin kay Sir Clavacio ang adviser namin at agad yumuko habang kinakabahan. "H-hi, Sir"

Bati ko, nararamdaman kong napatingin ang grupo ni Jeff sa gawi namin. Nakakahiya. "May klase na, hindi ka pa rin papasok?" Aniya habang matalim akong tinignan. "Ikaw naman Ms. Sina" tumingin siya sa gawi ni Trish. "P-Po?"

"Pasok! Kayong dalawa!"

Sigaw niya at pumunta sa likod namin upang maisiguradong papasok kami. Napakamot ako sa batok. Bakit may pasok pa, eh, malapit ng mag closing. Hindi ba siya gagawa ng grado? Like, duh! Carabao. Hindi ba kaming pwedeng mag chill? At hahayaan na lang niya akong humanap ng ibang ka chur chur?

Can You Be My King? Where stories live. Discover now