Chapter 13

37 7 0
                                    

KIA

PUMITOK pitok ang aking mata sa gulat hanggang sa dahan dahan na siyang lumayo at tumingin muna sa aking mukha bago tumayo.


Agad siyang nag iwas ng tingin at tinalikuran ako na parang may nagawa siyang mali. Tumikhim siya habang ako ay naguguluhan at biglang nanlamig. "Sa susunod mo na lang ako samahan."


Pagkatapos non ay bumaba siya sa burol na medyo may pagmamadali. Nanginginig kong hinawakan ang aking labi at diretsong tinignan ang nakatalikod niyang katawan na naglalakbay palayo.

We kissed!

Nang dahil doon, sumalampak ako sa damuhan at napatili. Napapadyak ako dahil sa kilig. Sino ba naman kasing hindi kikiligin?! Ikaw kaya halikan ng crush mo 'no, hindi ka kaya maging uod na parang binudburan ng asin!


Oh my gosh.


Feeling ko ang ganda ko na kahit noon pa man maganda na ako. Charizz!



Maarte akong umupo at pinalipad ang aking buhok at tumingala sa langit. Thank you talaga Lord. "Roy, sandali!" Tumayo ako at bumaba sa burol pero dahil isa akong tanga at echosera, natapilok ako at diretsong gumulong pababa sa burol.



Napasinghap ako at nasasaktang hinawakan ang aking ulo, may dahon pa akong nakuha mula sa aking buhok. Lumilibot din ang aking paningin, nahihilo ako. "Ayan, tatanga tanga. Tumayo ka." Narinig ko ang seryoso niyang boses at lumapit sa aking nakatayo habang ako ay mangiyak iyak na nakadapa sa damuhan.



"R-Roy, ang sakit ng t'yan ko." Tinukod ko ang aking isang palad sa damuhan at sinubukang umupo. Umiling siya at lumuhod upang magpantay kami. Kinuha niya ang mga damo sa aking buhok at inayos ito.



"Bakit ka kasi tumakbo. Tama lang sa 'yo 'yan." Sinapak ko ang kaniyang braso. "Ang sama mo." Sabay talim ko ng tingin at nagulat nang madatnan kong may gasgas na ang aking tuhod at dumudugo. Hala, hindi puwedeng masugatan ang paa ko. Iniingatan ko ito simula pagkabata. Akma akong tatayo nang pigilan niya ako.



Pinagmasdan ko siyang tanggalin ang polo tux nito at napalaki nang mata nang basta niya lamang pinunit ang sleeves. "H-hoy-" Lumunok ako at tumigil dahil tinignan niya lamang ako sabay hawak sa aking tuhod.



Nakatutok lamang ako sa kaniya habang kagat labing pinupunasan nito ang sugat ko. Medyo nakaramdam ako ng hapdi. "Humawak ka sa balikat ko, Kianna." Mukhang napansin niyang medyo nawawalan ako ng balanse at nasasaktan ako kaya inalok niya akong hawakan siya sa balikat na agad ko namang ginawa.


Suot suot niya na ngayon ang kulay gray na t-shirt ng school namin na may tatak ng Logo ng CH.


Tinanggal nito ang nick tie at tinali sa aking tuhod. "Roy, marunong naman ako." Saad ko, pero hindi siya nakinig. "Tumayo ka." Isinampay niya ang sirang tux sa balikat at tumayo. Sinubukan ko siyang gayahin sapagkat nahihirapan ako.


Ayan, kasi tanga.


"Tss." Buong lakas akong tumayo ng mabuti para sabihin niyang hindi talaga ako nag iinarte. "Wala namang sakit, e. Tara na." Ngumiti ako at parang zombie na naglakad papalayo sa kaniya. Lihim akong napangiti nang yumuko ako habang tinitignan ang tinali niyang nick tie niya.



"Kianna, may mga damo pa ang likod patungong hita mo." Tumikhim ako. "T-talaga?" Nagsimula na akong pagpagan ang katawan ko pero malamang hindi ko maabot ang lahat ng parte non kaya nahihirapan ako.



"Roy, paki pag pag naman ng likod ko." Aniko habang medyo tumuwad upang alisin ang damo sa aking sapatos. "Roy?" Tawag ko ulit ng hindi siya sumagot. Maya maya may isang palad ang dumampi sa aking likod at agad nawala. "Bakit?"




Can You Be My King? Where stories live. Discover now