Chapter 11

28 9 0
                                    

KIA

"OPO, sir." Yumuko ako bago lumabas sa pintuan habang hawak hawak ang perang pinadala niya sa akin. Paulit ulit kong binubulong ang sinasabi niya habang naglalakad ako sa hallway.



"At isang… ano nga ba yun-ah," Tumango ako nang maalala ko na ang mga pinabili niya. Nang makarating sa canteen parang gusto kong mag lugmok dahil ang haba ng pila.



Pumila ako sa likod ng babae at habang naghihintay na mapapunta sa cashier bigla kong narinig ang boses ng mga kaibigan ko na batid ko ay pumila din sa hindi kalayuan sa akin.



Pa-simple akong yumuko at tinakpan ang aking mukha dahil baka makita nila ako at siguradong magtatanong sila sa akin kung bakit hindi ako sumama sa kanila.


"Oh, anong sa 'yo?"


Mataray na saad ng tinderang may isang mala-kurbadang guhid na kilay habang ito'y striktang nakataas."Bilisan mo, jusko. Marami pang naghihintay, hija." Aniya habang kumukuha ng cellophane. Lumunok muna ako. "M-may palamig po kayo? Buko flavor?" Kumunot ang kaniyang noo at mas lalong tumaas ang kilay nito na napakanipis.


"Anong sa tingin mo?"


Pilit akong ngumiti at tumingin sa gilid kung saan nakita kong nakalagay doon ang mga machine sa mga palamig at nakita kong may buko flavor doon. Dinuro ko ito ng unti unti. "Iyon po, oh." Umirap siya sa hangin.



"Oh, may nakita ka pala, eh. Nagtatanong ka pa."


Awkward akong ngumiti. Galit na galit, ah. Edi sana huwag na siyang maninda. Kumamot ako ng batok habang ngumingit. "Kaya nga po, e-"



"Ilan bibilhin mo?" Agad niya akong pinutol sa pagasasalita na parang minamadali niya ako. "Dalawa po." Binilhan ko na din ang sarili ko. Hindi pa rin kasi ako kumakain, eh. Nang makuha ko na lahat pasimple muli akong yumuko para umiwas sa mga kaibigan ko at kumaripas ng takbo.


Nakaginhawa lamang ako ng maayos nang makaapak na ako sa harap ng office niya. Pinihit ko yun pabukas at pumasok. "Ito na po, sir." Huminto siya sandal sa pagsusulati at tumingala sa akin. "Baka kinunan mo 'to ng sukli?" Agad kumunot ang noo ko. Nag jo-joke time ba siya? Puwes, ako hindi.



"Ano? Hindi no."


Lumiit bahagya ang kaniyang mata at bumaling sa normal. Saktong may kumatok at pinapasok niya kaagad ito. Bigla akong nataranta nang makita ko si Roy na pumapasok na may hawak hawak na mga papel. "Kumain ka na, Kianna?" Ako naman ngayon ang napaangat ng kilay. Itinaas ko ang bili ko. "Kakain pa lang, sir.."


Para kaming close kung mag-usap pero sa totoo lang, ngayon lang kami nag usap ng ganito. Bumaling siya kay Roy pero hindi ako makatingin ng diretso dito. "Alis na po ako, sir." Yumuko ako at nagsimula nang humakbang.


"Sandali."


Humarap ako sa kaniya. "Sigurado ka bang kumain ka na?" Makakalimutan ata 'to, eh. Nakalimutan niya atang bumili ako ng pagkain ko. Isang tango at ibinigay ko bago nagmamadaling lumabas at agad dumiretso sa canteen para masamahan na ang kaibigan ko sa wakas.



Umupo ako sa aking puwesto at inilagay ang pagkain sa lamesa. Tinignan nila ako. Hindi ko na sila pinansin at nag mind na lang ako sa own kong business. "Nandiyan na si Roy, oh." Bulong ni Hera sa amin. Tumingin ako sa kaniyang direksyon kung saan siya naglalakad habang normal lamang ang timpla ng mukha.



Wala kang makikitang emosyon sa kaniya habang umuupo sa isang pwestong hawak hawak ang isang tray. Medyo natahimik ang lahat at nag bulong bulongan nang umupo siya sa tabi ni Era.



Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon