Chapter 1

109 12 1
                                    

MAINGAY ang buong classroom habang pinagmamasdan ko sila

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

MAINGAY ang buong classroom habang pinagmamasdan ko sila. Seryoso, mga tao ba 'to? Kasi kung ako ang tatanungin mukha silang mga tanga.




Joke.





Pero seryoso ako. Pano ba kasing hindi, ginawang selfie stick ang dust pan. Bumaling ako sa isang grupo nang kalalakihan at napaangat ang kilay dahil tinitignan nila ako.





May kasama silang isang babae na mukhang siga. "Ano'ng tinitingin tingin mo?" Tinaasan niya ako ng kilay at pinag-cross ang mga braso. Huh? Ako ba tinutukoy niya? Kasi kung ako edi, okay.





"Tss, mga babae talaga ang aarte, puro make up, mabuti pa ako, natural at hindi tulad mo. Tingnan mo nga ang mukha mo, daming make up." Tumawa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya.








Binali-bali niya ang kaniyang leeg. "Hindi kasi ako katulad sa ibang babae. Nag-iisa lang ako." Mas lalong lumalim ang gatla ng noo ko. Wala namang nag tanong. Ano ba'ng pinagsasasabi nito? Sino ba 'to?







"H-huh? Inaano kita?" Hindi ko mapigilang hindi mapatanong. Aba, dalawang araw pa lang ako dito ta's may kaaway niya. Ganda naman.





Bigla siyang tumawa at bumaling sa grupo niya. Hindi naman sila natawa pero dahil sa masamang ibinigay na tingin nito ay natawa na lang din ang mga ito. "Mukhang may bago tayong bu-bug bugin mga parts." Tumango ang mga ito at pinalagitik ang mga kamao.








Agad tumalim ang aking mata. "Isusumbong ko kaya kayo sa kuya ko at ate ko." Pinag-cross ko ang mga braso at ngumisi. Wala silang laban sa kanilang dalawa lalo na kay Nath. Nyehihi. Bumaling siya sa grupo niya.






"Lance, ano? Buo na ba ang plano?" Natatawa niyang sambit sa isang lalaki na nag ngangalang Lance pero hindi ko siya nilingon. Muli siyang tumingin sa akin.








"Ulol, nagpapalaban!" Itinaas niya ang kaniyang palad na parang hahampasin ako nang saktong tumahimik ang paligid. Agad niya iyong binaba at napaangat  habang bumaling sa ibang direksyon ang paningin niya.








Tumingin ako sa ibang kaklase ko at napakurap dahil pati ang mga lalaki ay napaayos din ng buhok. Anak ng manok.





"Uy, Roy."






Siga niyang bati dito gamit ang baritong boses. Hindi ko narinig ang pag bati niya pabalik dahil kasalukuyan akong nakatalikod sa taong iyon. Habang nakatingin sa pinto ay pinagmamasdan ko lamang siyang nakatingin sa isang bagay na batid ko ay naglalakad.






Sumara ang pinto at maya maya ay nakakaamoy na ako ng hindi isang pamilyar na amoy subalit napaka-bango. Napakurap ako ng mata dahil sa kaniyang pabango. Akma kong hahanapin kung sino ang may ari ng pabangong iyon. Aba, baka kasi pogi.





Can You Be My King? Donde viven las historias. Descúbrelo ahora