Chapter 8

32 9 0
                                    

KIA

"BOBO ka! Tangina mo!" Sabay kaming lahat napatingin sa bintana ng classroom kung saan may estudyanteng tumatakbo habang namamakyu sa isa pang estudyanteng humahabol pa sa kaniya na nagayon ay hawak hawak din ang isang notebook na batid kong ihahagis niya ito dito.




"Gago, ang lutong. Buti wala pa si Roy 'di niya natuklasan 'yon," Tumawa si Xin at umupo sa aking tabi. Unti unti ko nang nararamdaman na paparating na ang adviser namin kasi nakakaamoy na ako ng hindi kanais-nais at kakaiba.




"Get one whole sheet of paper, may quiz tayo ngayon one hundred items." Napasinghap kami dahil sa biglaan na nga niyang pagsulpot. Angas naman ng surprise parang dito ako papanaw. Sabi na, e.




Sa huli wala kaming nagawa ko at kumuha ng papel, sakto namang pumasok si Roy at dumiretso sa aking likod. Sandali ko siyang sinulyapan bago inilahad ang papel sa lamesa. "Nag review ka?" Umiling si Xin. Lumiit bahagya ang aking mata. Nandiyan na naman 'yang kasinungalingan niya.





Noon, noong tinanong ko siya kung nag review ba siya sabi niya hindi pero naka-one mistake. Inirapan ko ito at umusog. "Sige, bibigyan ko kayo ng chance sa mga hindi naka review, mag re-review muna tayo sandali, class." Sabay talikod at kumuha ng chalk sa board. Pero bago iyon ay tumingin muna siya sa aming dalawa ni Xin ng masama. "Kayong dalawa, baka mag-iingay na naman kayo d'yan." Kami talaga paborito niyang sungitan.





"Kianna," Bumaling ako nang tawagin ni Xin ang pangalan ko. "Oh?" Umusog siya papalapit sa akin at inilapit ang mukha't bumulong. "Alam mo na ba?" Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Umiling ako. "Hindi, ano bang meron?"




"Kilala mo ba si Darla sa kabilang section? Hoy, Buntis!" Napalaki ako ng mata at lumayo sa kaniya. "Buntis?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Tumango siya. Napahawak ako sa aking dibdib habang napakurap kurap. "Totoo? Buntis?"





"Oo, at ito pa, si Riel 'yong nanligaw sa 'yo noong nakaraan? Siya 'yong ama."



"Si Riel?!"



Agad akong tumiklop nang masalubong ko ang masamang titig ng aking guro. "S-sorry, ma'am." Yumuko ako at sinapak ang kaniyang balikat. "Manahimik ka kasi d'yan."



"Anong tahimik? Ikaw lang naman sumigaw, ayos ka lang? Tss."



"Saan mo naman kasi nakuha ang mga 'yan?"


"Sa tabi tabi, kaya sinagad ko na."


Napailing na lamang ako habang hindi makapaniwala. Si Darla kasi kilalang introvert kaya walang mag e-expect ng ganon ang mangyari sa kaniya. "Tapos usap usapan ngayon na pinalayas daw siya, si Darla at doon daw tumira kina Riel. Pero pumasok pa rin si Riel, si Darla lang ang hindi at lagi daw itong pinagbabantaan ng mga magulang ni Riel" Bumaling ako sa kaniya habang may sinusulat sa papel.




Madami pa siyang sinasabi hanggang sa inilapag niya ang ballpen. Xin lang talaga chismoso. "Tapos, Xin? Ano nang nangyari sunod?" Curious kong tanong. "Wala, kalimutan mo na 'yon. Laro tayo, huhulaan mo lang 'yong mga salita, may limang chansa ka lang na gamitin ang mga 'yon gamit ang ilang letrang sasabihin mo, kapag umabot ka sa limit lilintikan kita sa noo."





Napakurap ako. "Ako unang lalaro? Bato bato pick na lang." Tumaas muna saglit ang kaniyang kilay bago tumango. Pero sa huli natalo ako.  "Talo ka padin, kaya ako talaga una." Sabay irap. "Anong salita ba 'yan?" Tanong ko at lumapit sa kaniya. "Bugok, kapag sasabihin ko edi malalaman mo. Sige, bibigyan kita ng clue. Gamit 'yan."




Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon